^

Police Metro

Sundalo at pulis tinaningan para tirahan ang mga nakuhang pabahay

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hanggang Hunyo 15 ngayong taon ang taning na ibinigay ng National Housing Authority para sa  mga kawani ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang tirahan ang mga inaward sa kanilang bahay dahil kung hindi ay ipamimigay na ang mga ito sa kuwalipikadong benepisyaryo katulad ng mga guro, mga empleyado ng city hall, munisipyo at mga informal settlers.

Ito ang naging babala kahapon ni NHA General Manager Marcelino Escalada Jr., sa pagdinig ng Senate committee on Senate Committee on Urban Planning, Housing, and Resettlement na pinamumunuan ni Senator JV Ejercito.

Ipinaliwanag ni Escalada na mayroon namang linya ng kuryente ang mga housing projects para sa mga pulis at sundalo pero kailangang mag-aplay ang mga titira sa housing units.

Inihayag din ni Escalada na na-identify na rin nila ang mga benepis­yaryong informal settlers at lilipat na ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Mayroon na rin aniyang masterlist ang NHA ng mga miyembro ng AFP at PNP na pagkakalooban ng bahay.

Nauna rito, iniha­yag ni Escalada na nasa 66,184 ang housing units para sa pulisya at militar pero nasa 8,240 pa lamang ang may nakatira habang nasa 55,124 pa ang nakatiwangwang.

Balak hilingin ni Escalada sa Kongreso na magpasa ng batas upang magkaroon sila ng kapangyarihan na i-award ang mga housing units sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.  

vuukle comment

MARCELINO ESCALADA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with