^

PSN Showbiz

Kim pumiyok sa mga alok ng mayayamang pulitiko! Aiai ayaw makisali sa isyu ni Kris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May impression pala si Kim Domingo na mahirap daw kunin sa mga raket out of town shows. Kaya pala hindi basta-basta tumatanggap si Kim ng mga ganung raket dahil nag-iingat na siya sa mga taong kumukuha sa kanya. Madalas daw kasi ay nakukursunadahan siya dahil ang tingin sa kanya ay game sa “kakaibang” kalakaran.

Inamin naman ni Kim na kahit nu’ng nagsisimula pa lang siya ay ang dami na talagang nag-aalok mula sa mga mayayamang politicians, pero tinatanggihan daw niya ito.

Pahayag ng Kapuso sexy star, “Hindi ko naman po dini-deny nung kahit sa mundo po ng pagmumodelo marami po talagang proposal na bibigyan ka ng bahay, lupa, sasakyan. Pero yun po.

“Ako po kasi lumaki po talaga ako sa hirap. Mas gusto ko po talaga na pinaghihirapan ko ‘yung bahay. Saka ayoko pong pumasok sa bagay na gugulo lang ang buhay ko.”

Mabuti at nabigyan naman daw siya ng magandang break ng GMA-7 kaya hindi na raw niya kailangang rumaket ng ganun dahil sunud-sunod naman ang mga show niya.

Sa April 17 na magsisimula ang D’ Originals sa GMA afternoon drama kung saan tampok si Kim.

PAK: Super iwas na talaga si AiAi delas Alas sa mga isyu kay Kris Aquino. Tinanong ito kung napanood ba niya ang TV special nitong #TripNiKris nung nakaraang Linggo pero sabi nito ay tulog na raw siya. “Hayaan n’yo na kasi. Huwag na natin siya isali. Okay na ‘yun.

“Lahat tayo ay puro positive,” safe na sagot ng Kapuso Comedy Queen.

Sinundan pa ng tanong kung matutuloy-tuloy ang show ni Kris sa GMA-7, posible kayang magsama sila kung sakali?

“Panggabi ‘yung sa kanya. Tulog na ako sa gabi,” natatawa niyang sagot.

Magsisimula na ngayong araw si AiAi ng kanyang Pabasa at pagkatapos nito ay magbabakasyon na raw silang pamilya kasama siyempre ang love of her life na si Gerald Sibayan, dahil isi-celebrate na nila ang kanilang third anniversary.

BOOM: Ayaw nang patulan ni Mrs. Rhodora Morales, ang producer ni Kris Aquino sa #TripNiKris, ang mga huling pahayag niya sa PEP.ph na ginamit lang daw siya, lalo na’t may balak na tumakbong Vice Governor ng Nueva Ecija ang anak nitong si Renan Morales.

Ayon sa ilang taong malapit sa kanya, baka magbigay daw ito ng statement isa sa mga araw na ito, pero ayaw na muna niyang magsalita sa ngayon bilang Lenten season naman.

Pero marami ang nag-react sa pagpapa-interview ni Kris sa PEP. Kung talagang ginamit siya, bakit naman daw niya ito in-allow.

Hinintay lang muna niyang maere ang programa bago siya nagsa­lita. Eh ‘di ginamit na rin niya ang producer na siyang naglabas ng pera para maipalabas lang ang programa niya, at makabalik siya sa TV.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with