^

PSN Showbiz

Fans ni Darna nag-panic kay Jennylyn!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

“I am honored” ang reaction ni Jennylyn Mercado sa pagpirma ng movie contract sa Reality Entertainment.

“My first movie for the year, and first time working with Reality Entertainment on a genre na first time ko ding gagawin.”

Present nang pumirma ng kontrata si Jennyln sina Dondon Monteverde na producer ng Reality Entertainment at director Erik Matti na co-producer ni Dondon at baka siya rin ang magdirek ng pelikula.

May mga nataranta na baka ang pelikulang Darna ang gagawin ni Jennylyn dahil si Erik Matti rin ang director nito. Pero bago mag-react ang fans ng Darnaisipin n’yo muna na ang Star Cinema ang producer ng pelikula at ang ABS-CBN ang may hawak ng exclusive rights sa project.

Naunahan ng Reality Entertainment ang Regal Entertainment sa pagkuha kay Jennylyn dahil ang alam namin, may project din sila sa aktres.

Benjamin sinagot ang video scandal!

Tama naman si Benjamin Alves, walang ar­tista na gustong mamatay ang karakter sa tele­ser­ye man o sa pelikula, kaya natuwa siya nang malamang ibabalik ang karakter niyang si Ephraim sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Sa ending mamaya ng Afternoon Prime, hindi lang buhay si Ephramin, makakatuluyan din niya si Santina (Julie Anne San Jose).

Anyway, may bagong show si Benjamin after Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Hindi soap ang new show niya at iba ang concept nito.

May reaction pala si Benjamin sa blind item na may sex video siya. “Nang lumabas ‘yun, someone’s tagging me at ang ginagawa ko ‘pag mga ganyang isyu, I either block or mute. Ang IG ko parang bahay ko na ‘pag may unwanted visitor, bina-block ko agad bago pa mag-create ng gulo,” sabi ni Benjamin.

Anyway, hindi magkasama this Holy Week sina Benjamin at Julie Anne dahil every year pumupunta sa Subic ang singer-actress para sa yearly panata every Good Friday. Si Benjamin ay dito lang dahil darating ang kapatid at pamangkin niyang si Noah. Pakikiusapan daw niya si Julie Anne na bago pumunta ng Subic ay bisitahin nila si Noah sa Pampanga. So, meet the family na ito ni Julie Anne.

Jake Cuenca napagkamalang Kapuso na

False report ang kumalat na papasok sa Meant To Be si Jake Cuenca, kaya nag-react ang actor ng “What you’re talking about? I have no idea” nang may magtanong sa kanya.

Ang nangyari pala, may talent na kasama sa rom-com series na kamukha ni Jake at nag-post sa IG story si Jak Roberto. Pinagtabi pa nito ang picture nila at nag-dialogue ng “Welcome back Jake!”

Mabilis kumalat ang IG story ni Jake at nai-share ng MTB fans at inakalang totoong si Jake Cuenca nga ito.

Si Jak tuloy ang sinisisi sa pagkalat ng maling info, pero kasalanan din ng mga naniwala agad at hindi tiningnan nang maigi ang picture na nai-post.

Sunshine lalarga pa sa ibang bansa

May budget ang production ng Ika-6 Na Utos dahil hindi lang sina Sunshine Dizon at Mike Tan at nag-shoot sa Singapore at kasama rin sina Gabby Concepcion, Marco Alcaraz, at Rich Asuncion.

Dahil magtatagal pa ang airing ng daytime prog­ram at para hindi magsawa ang viewers, baka mag-taping pa sila sa ibang bansa.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with