^

PSN Showbiz

Emote ni Kris hindi pinatulan ng produ!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa sumasagot ang businesswoman na si Rhodora Pascual Morales tungkol sa mga emote ni Kris Aquino na nagmistulang basher dahil sa kanyang mga pralala na ginamit siya ng producer ng TV special niya, ang Trip Ni Kris.

Kahit nag-lunch kami ni Mama Doray noong March 31, hindi ko naman hiningi ang contact number niya or else, naitanong ko na sana ang kanyang panig tungkol sa bintang ni Kris na delayed siya na magbayad at manggagamit sila ng kanyang anak na si Renan Ponce Morales.

In all fairness kay Mama Doray, abot hanggang langit ang mga papuri niya kay Kris at walang-wala sa kanyang hitsura ang pagiging user.

Baka busy lang si Mama Doray kaya wala pa itong panahon para patulan ang mga masasakit na paratang ni Kris na nakahanap pa ng time na tumawag sa Pilipinas, hitsurang nagbabakasyon siya sa Maldives, para i-bash ang mother-and-son team nina Mama Doray at Renan.

Kris nakakuha ng katapat?!

May kutob ako na imbyerna si Kris kay Renan dahil hindi kinaya ng powers niya ang anak ni Mama Doray.

Puwedeng nakita ni Kris ang sarili niya kay Renan na prangka at walang sinisino, basta masabi lamang ang kanyang mga nararamdaman. May kasabihan na it takes one to know one ‘di ba?

May balita na sinabi ni Renan na in love sa kanya si Kris at kung kilala natin si Kris, hindi niya nagustuhan at nawindang siya sa pahayag ng anak ni Mama Doray.

Sa rami ng mga babae na nakarelasyon ni Renan, imposibleng hindi nito alam o nararamdaman kung type siya o hindi ng babae.

Dahil sa mga emote ni Kris laban kay Renan, marami ang curious na makilala nang personal ang controversial son ni Mama Doray na hindi kailangan na manggamit ng kapwa para mapag-usapan. Si Kris ang nag-ingay kaya biglang napag-usapan uli si Renan na isang konsehal at kilala bilang Bespren sa bayan nila sa Nueva Ecija.

Dedma naman ang publiko sa mga emote ni Kris laban kina Mama Doray at Renan.

Mas interesado sila na magtika ngayong Semana Santa dahil  hindi na bago sa kanila na nasasangkot si Kris sa mga kontrobersya. They have better things to do ang reaksyon nila.

Alfred at misis tutulak pa-Italy para sa prenup pictorial 

Sa Bali, Indonesia ang destinasyon ni Alfred Vargas at ng pamilya niya.

Lumipad kahapon ang Vargas family sa Indonesia para sa kanilang short vacation sa isang beach resort sa Bali.

Hindi puwedeng mawala nang matagal si Alfred sa Pilipinas dahil balik-taping siya para sa Encantadia sa Lunes.

Sa susunod na buwan, lilipad uli si Alfred at ang kanyang misis na si Yasmine para sa kanilang prenup pictorial sa Italy. By that time, tapos na ang Encantadia kaya wala nang conflict sa wedding preparations ng mag-asawa.

Malaki ang kinalaman ng Italy sa love story nina Alfred at Yasmine kaya ang nasabi na bansa ang kanilang pinili para sa prenup pictorial.

Kasado na ang church wedding nina Alfred at Yasmine sa Manila Cathedral sa July 2017. Araw ng Linggo ang pinili nila para makadalo ang lahat ng mga invited guest at higit sa lahat, walang trapik sa Metro Manila dahil medyo malayo ang simbahan sa wedding reception.

vuukle comment

RHODORA PASCUAL MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with