^

Kutob

Abril 12, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Hindi ko kayang baguhin ang sarili ko, ipagkaloob nawa ng Diyos ang pusong dalisay para sa higit Niyang karangalan.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Habang may buhay, may pag-asa. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin­, walang paltos na makakamit ang minimithi. Hirap ang aanihin ng tamad. Simulan ang pagbabanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 33 at jade green.  

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Sa pagmukmok at pag-aalala, hindi makakakilos kaya walang mapa­pala. Ang maghangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at ang kalakip ng sipag, tiyaga ay pagkilos. Tiyakin na sa malinis na paraan nanggagaling ang ipapakain sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 35, 41at indigo.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang gagawing de­sis­yon ay may bungang pipitasin. Malakas ang ESP kaya ang anumang kutob ay gawin. Huwag magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong pagtitiwala. May magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 37, 40 at electric blue.  

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Maaaring makakilala ng taong makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na kailangan. Kung may panahon na makipagsosyalan, maaaring makatagpo ng bagong kakilala at magkaroon  ng pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 34, 36 at pink.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung itutuloy ang pag­lalakbay, may malaking pakinabang sa sarili o tra­baho. Ang planong paglalakbay ay dapat isaka­tuparan. Iwasan ang mamasyal o lumakad nang walang maha­­lagang sadya. Iwasan ang makipag-date at tiyak magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day 6, 12, 27, 38 at yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Iwasan na mag-init ang ulo para malayo sa hindi pagkaka­una­waan o basag-ulo. Ang bawa’t taong makakausap ay nangangailangan ng paliwanag kaya hinahon at pasensiya ang kailangan. Maaaring makatagpo ng sasalungat sa gusto o mungkahi. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 29, 33 at green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Masigla dahil sa pag-ibig. Naaayon ang makipag-date o makipagtagpo sa sinisinta o kasintahan. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan, gaan ng damdamin at magandang pakiramdam. Matumal ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 40, 42 at red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang maka­tulong ay malinis na hangarin subalit ibigay sa tamang nangangailangan nang maiwasan ang malinlang. Sigla ng katawan ang dahilan kung kaya mabilis at walang sagabal na matatapos ang sinimulan. Mag-ingat sa matatalim at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 33, 40 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Iwasan ang makulit at mapagbiro dahil iiral ang kasamaan ng iyong ugali na handang makipag-away. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng tamlay. Iwasan ang mangako dahil hindi makakatupad. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 25, 33 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Iwasan ang lumagda ng mahalagang papeles o kontrata na hindi nauunawaan nang mabuti. Huwag pilitin ang sarili kung may duda at tiyak kapahamakan ang mangyayari. Ipagpaliban ang binabalak sa pagbabago ng kaayusan ng bahay, opisina o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 41 at emerald green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang sinumang magbenta o humingi ng tulong ay dapat suriing mabuti bago paunlakan. Magiging masayahin at madaling malapitan ng kahit sino, ngunit mag-ingat at baka maloko. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at manloloko. Pag-aralang mabuti ang desisyon bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 21, 32 at violet.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Sa kabutihang ma­gagawa, ngayon ang gantimpala. Magiging pangu­nahin ang kapakanan ng pamilya, bago ang sarili. Isang anak, kapitbahay o kamag-anak ang nangangailangan ng tulong sa pag-aaral, suliranin sa pag-ibig o pera. Magaan ang tulong kung buong pusong ipagkakaloob. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 37, 42 at yellow.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with