^

Pang Movies

Kim ayaw sumuko sa paghahanap sa amang french

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi pa rin sumusuko ang Kapuso sexy star at Pantasya Ng Bayan na si  Kim Domingo sa paghahanap ng kanyang tunay na ama.

Isang French national ang kanyang ama na ang pangalan ay Gy Bellville.

Sinubukan na raw ni Kim na hanapin sa social media ang kanyang ama, pero wala raw lead kung buhay o patay na ba ang kanyang biological father.

“Sa photo kasi na meron ang mommy ko, may edad na ‘yung father ko. I think he was already in his 60’s noong magbuntis si mommy sa akin.

“Eh, 22 years old na ako. So he’s mga 80-plus na ngayon.

“Gusto ko lang malaman kung buhay pa ba siya.

“Baka kasi nasa isang nursing home siya or baka naman may sarili din siyang pamilya at hindi niya alam na may anak siya sa Pilipinas.

“Hindi ako naggi-give up at sana one day, makilala ko siya,” diin pa ni Kim.

Feeling kasi ni Kim ay hindi kumpleto ang pagkatao niya kung hindi niya makikilala ang kanyang ama.

“Kahit na sino namang bata, kung hindi nakilala ang isang magulang, nandoon ‘yung feeling na may kulang sa iyo.

“May mga nagsasabi sa akin na tigilan ko na ang paghanap at baka hindi niya alam na may anak siya sa iba.

“Wala naman akong hihingin sa kanya. Gusto ko lang siyang makilala at malaman ko lang na, ‘Uy ito pala ang daddy ko. May pinagmanahan pala ako,’” ngiti pa ni Kim.

Kahit na lumaking walang ama si Kim, napalaki naman daw siya ng maayos ng kanyang ina at lola.

“Si Mommy, nagkaroon din siya ng ibang boyfriends, pero hindi na siya nagbuntis ulit kaya nag-iisa lang ako.

“Maganda sigurong malaman na may mga kapatid ako sa biological father ko, ‘di ba?

“Pero ang maganda ay inalagaan ako ng husto ng mommy ko at ng lola ko. Kaya bilang ganti sa magandang pagpapalaki sa akin, binili ko sila ng bahay sa Novaliches.

“Dahil sa mga blessings na dumating sa amin, unti-unti kong natutupad ang mga pangarap namin noon,” sey pa niya.

May pinapagawa ring sariling bahay si Kim sa Antipolo at gusto rin niyang pasukin ang pagnenegosyo.

“Paisa-isa muna. Tsaka hinihintay ko pa ang approval ng loan ko sa bangko.

“Right now, happy ako na may mga show ako na nakukunan ko ng blessings namin,” pagtatapos ni Kim na napapanood sa Bubble Gang at sa dramedy na D’Originals.

Gladys papalabas na ang ikaapat na baby

Proud na pinapakita na ni Gladys Reyes ang kanyang baby bump na 33 weeks na.

Noong mag-outing silang mag-anak sa isang resort sa Subic nitong nakaraang weekend, pinakita ni Gladys ang kanyang lumalaking baby bump.

Excited na raw ang anak nila ni Christopher Roxas na sina Christophe, Aquisha at Grant sa paglabas ng kanilang bagong baby brother.

“33 weeks and still counting... Baby no. 4 is coming out soon in May!” post pa ni Gladys sa kanyang Instragram account.

Inamin ni Gladys noon na isang “unexpected blessing” ang pagbubuntis niya sa ikaapat na pagkakataon.

Hindi na raw niya inaasahan na magbubuntis pa siya bago siya duma­ting sa edad na 40.

“Unexpected blessing na nga ito. Pero siyempre, happy kami. At least, before I reach forty, naganap pa.

“Never been more happier in my life... Another child in our family!

“Been looking for something to motivate me. Instead of something, You gave me someone.

“I’m just grateful, dear God,” sey pa ni Gladys na pahinga muna sa teleserye pero tuloy pa rin ang pag-host ng kanyang talk show na MoMents sa Net 25.

 

 

vuukle comment

FRENCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with