^

Pang Movies

Totoong singers nilampaso, Awra nagulat nang manalo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Si Awra Briguella ang itinanghal na first grand winner ng Your Face Sounds Familiar Kids last Sunday na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Si Nicki Minaj ang ginaya ni Awra sa kanyang final performance at inawit ang Super Bass at nakakuha ng 95.41% of votes. Tinalo niya ang mga kalabang sina Elha Nympha who came second, AC Bonifacio who got the third place, Xia Vigor, Sam Shoaf, Lyca Gairanod, Justin Alva, and Alonzo Muhlach.

Tumataginting na P1-M ang napanalunan ni Awra, house and lot at trip to Jeju, South Korea.

Ayon kay Awra, ipinag-pray niya talaga na siya ang manalo pero nang tawagin ang pangalan niya ay hindi pa rin daw siya makapaniwala dahil alam niyang naging mahigpitan ang laban nila ng mga kasamahang contestant.

“Pinagdadasal ko na talaga na ako ‘yung manalo. Nung tinawag ‘yung pangalan ko, hindi ko na nakayanan. Bumigay na talaga ako kaya napaluhod ako. Hindi ko talaga alam na ako ‘yung mananalo kasi sobrang higpit ng labanan namin,” pahayag ni Awra sa panayam sa kanya ng ABS-CBN matapos siyang manalo.

Sey pa niya, “hindi ko talaga in-expect na tatawagin, kasi ang hihigpit talaga nila Elha, nila Sam, parang ayaw talaga nila akong papasukin sa grand finals.”

Unang-una niyang inaalay sa pamilya niya ang kanyang pagkakapanalo.

“Kasi sila (his family) ang number one supporters ko, sila ‘yung no. 1 na nagka-campaign sa akin, sila ‘yung no. 1 na palaging nandiyan para sa akin.”

Hindi rin nakalimot magpasalamat si Awra kay Coco Martin na parang tatay-tatayan na niya at kasama sa FPJ’s Ang Probinsyano at kay Vice Ganda na nanay-nanayan naman niya.

“Si Kuya Coco, kahit nasa ibang bansa, napanood mo ‘ko. Wala pang one minute na tinatawag ako na Awra, naka-post ka na agad na ‘Congrats, baby’, ang haba ng message mo. I appreciate, Kuya Coco.

“Then, kay Mommy Vice, kunyari lang ako nagtatampo sa ‘yo, ikaw pa ba, pagtatampuhan ko pa? Siyempre, ate Vice, mahal na mahal kita at ikaw na talaga ang nanay ko forever,” pahayag pa ni Awra.

Totoo naman talaga ang sinabi ni Awra, pagkapanalong –pagkapanalo niya ay nag-post na agad ng congratulatory message si Coco sa kanyang Instagram account.

“Yahoo!!! Congrats...Awra (Mac mac) sobra kaming proud na proud sayo dahil napakabait mong bata at sobrang mahal na mahal mo family mo at alam namin lahat na hindi ka mag babago!!! Mahal na mahal kita!!!” post ni Coco na sinundan ng sandamakmak na kiss emoticon.

Sobrang malapit ang puso ni Coco kay Awra pati na rin sa isa pang child star sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Simon “Onyok” Pineda. Ang aktor ang isa sa nag-approve sa dalawang bagets para mai-cast sa serye. Mula sa pagiging nobody, sikat na sikat na ngayon ang dalawang bata dahil mainit silang tinanggap ng mga manonood ng FPJAP.

Matteo wish na magkasama sina Daniel at Sarah!

May basbas ni Matteo Guidicelli ang tambalang Sarah Geronimo at Daniel Padilla at pati siya ay nagwi-wish na matuloy ang pagsasama ng dalawa sa isang pelikula.

“Daniel is an amazing guy, I love that guy, I love them (KathNiel) both, they’re very, very nice people, Kathryn Bernardo, she’s very nice.

“I hope one day, Daniel and Sarah work together because Sarah also wants to work with him,” pahayag ni Matteo sa interview niya sa TV Patrol.

Kasama si Matteo sa pelikula ng KathNiel na ipalalabas ngayong April 15, ang Can’t Help Falling In Love at natatawa na lang siya dahil pabata nang pabata ang mga nakakasama niya.

“After LizQuen, Enrique (Gil) and Liza (Soberano), KathNiel naman. Third wheel ako dito sa kanila,” he said.

 

 

vuukle comment

SINGERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with