^

Pang Movies

Ariel at Regine luma-loveteam na rin!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ipinasilip na ang taping ng Mulawin vs. Ravena, at dito ay nagbigay ng konting patikim ang dalawa sa mga bibida ritong sina Ariel Rivera at Regine Velasquez-Alcasid kung ano ang magiging role ng isa’t isa sa serye.

Love team daw sila rito kung saan may mga eksenang kailangang sagipin nila ang isa’t isa. Kaabang-abang ang mga magaganap dahil mahigit isang dekada na nang magsama sila sa isang serye. Inamin nilang challenging ang mag-taping nang naka-costume, pero sulit naman dahil nag-e-enjoy sila sa paglalaro sa kani-kanilang mga karakter.

Gagampanan ng Asia’s Songbird ang role ni Sandawa habang si Ariel naman ay si Panabon sa pinakaaabangang telefantasya ng GMA ngayong taon.

Pepito ayaw patinag

Ilan taon nang namamayagpag ang Pepito Manaloto at tuluy-tuloy pa rin ang mataas na ra­tings nila. Nitong nakaraang dalawang Sabado kung saan ang summer specials nila ang inere at kagaya ng Bubble Gang ay nakakuha ito ng matataas na ratings. Kaya lalong ganado ang Pepito Manaloto family kung saan naging binata at dalagita sina Jake Vargas at Angel Satsumi. Good vibes lahat ang cast at production staff.

Jennylyn nagpasiklab sa pagpapatawa

Hindi na mapakali ang audience at fans ng My Love From The Star dahil nagpatikim na ang GMA Network ng isang eksena nito sa 24 Oras. Feel na feel ni Jennylyn Mercado ang eksena kung saan kumakanta siya at dito nakita ang galing ng aktres sa comedy.

Ibig sabihin ba nito ay malapit na talagang mapanood ang pinakaaabangang remake ng taon?

Hinihitay ng fans kung may ipapakita ring eksena ni Gil Cuerva dahil sabik na silang makita ang Pinoy na Matteo Do!

                                               

vuukle comment

PEPITO MANALOTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with