^

Punto Mo

Tara na sa Agony Hill sa Alimodian, Iloilo

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

INIIMBITAHAN ni Mayor Kalay Alonsabe ng Alimodian, Iloilo ang mga namamanata at pilgrims na dalawin ang tourist spot ng bayan, na kung tawagin ay Agony Hill, para maisakatuparan ang kanilang  “Way of the Cross” sa Good Friday. Ayon kay Mayor Alonsabe, handa na ang kapulisan at barangay officials para i-maintain ang peace and order sa Agony Hill, maging ang paggiya sa mga turistang nais masaksihang personal ang kaganapan dito. Para sa kaalaman n’yo mga kosa, dito sa tuktok ng Agony Hill makikita ang 14 stations ng The Way of the Cross, at ang pinakadulo nito ay ang isang mala-king krus kung saan ipinako si Panginoong Hesukristo, tulad ng nakasaad sa Bibliya. Mahaba ring lakaran ang mangyayari bago mo marating ang dulo nito kaya kailangang magpalakas ng resistensiya mga kosa. Kasi nga ang tinitiyak ko, tagaktak ang pawis mo kapag natapos ang Way of the Cross dahil hindi biro ang lalakarin, lalo na sa ngayong panahon ng tag-init. Subalit kapag narating mo naman ang tuktok ng Agony Hill, marami kang makikita mga kosa, kabilang na dito ang panoramic view ng Aganan River, ang St.Thomas de Villanova parish na noong panahon pa ng Kastila ginawa,  ang town plaza at ang munisipyo. Get’s n’yo mga kosa?

Ayon kay Mayor Alonsabe, ang Agony Hill ay itinayo noong 1967 ng mga Cursillistas sa ilalim ng pangangasiwa ni Fr. Nicolas Caberoy. Para makapag-ipon ng pera, nagpa-raffle ang Cursillistas at nang makabuo na nga ng pondo ay sinimulan na ang paggawa ng isang malaking wooden cross kagaya nang kung saan ipinako ang ating Panginoon. Isang malaking kahoy na Mulawin ang pinutol sa Igcaras Hill at ito nga ay hinila ng mga kalabaw hanggang marating ang tuktok ng Agony Hill. Hindi biro mga kosa ang pagtatayo nang malaking krus noong Peb. 16, 1967 dahil umabot sa 50 katao ang nagtulung-tulong, gamit ang ilang pirasong kawayan at lubid. Ang Agony Hill mga kosa ang nagsilbing inspirasyon sa mga residente ng Alimodian para gunitain ang pagdurusa ni Panginoong Hesukristo, na siniselebra tuwing Mahal na Araw. Nang kalaunan, hindi lang mga residente ng Alimodian ang nagtutungo rito, kundi maging ang taga-kalapit na bayan tulad ng Leon, San Miguel, Pavia, Cabatuan, Sta. Barbara, Oton, Maasin at Guimbal. Sa ngayon, bantog na ang Agony Hill sa Iloilo at naging tourist spot na ng Alimodian, di ba Mayor ALonsabe Sir?

Teka nga pala! Ang mga donors ng First Station ay ang pamilya ni Antonio Calderon; Consolacion Anas sa Second Station; Clara Ambe sa Third Station; Teodosia Amarra sa Fourth Station; Severina Aligaen sa Fifth Station; Corazon Albela at Villarico family sa Sixth Station; Vice Mayor Gabriel Alingasa at Mr. and Mrs. Benjamin Amarra sa Seventh Station; Councilor Natalia Amparado sa Eight Station; Juanito Algallar sa Ninth Station; Mayor Simeon Salarda sa Tenth Station; Sofia Dalipe Ong sa Eleventh Station; Felisa Cañonero sa Twelfth Station; Atty. Mariano Toledo sa Thirteenth Station, at Purok 1 (Roosevelt Norte, San Sixto, Soledad at Modesto Streets sa Fourteenth Station. Matapos gawin itong 14 stations at naipatayo ang wooden cross, mismong si late Jaime Cardinal Sin ang nag-bless at nag-inaugurate nitong Agony Hill noong May 3, 1967. Siyempre, hindi dapat kalimutan ang pagsisikap ni Fr. Caberoy hanggang maisakatuparan ang proyekto ng Cursillistas sa pangunguna ng dating broadcaster na si Esteban Amparo, di ba mga kosa?

Hindi maliligaw ang mga turista sa pagbisita sa Agony Hill dahil may naka-deploy na si Mayor Alonsabe na mga barangay official sa mga daan. Dati sa Rodriguez St., (formerly Dawis St.) dumadaan ang mga turista subalit dahil matarik ang dulo ng kalye, inilipat na ito sa kalapit na Nichol St., at sementado na ang daan patungo sa paanan ng Agony Hill sa Bgy. Taban kung saan makikita rin ang parking lot. Walang gutom naman dun sa Agony Hill dahil marami ang nagtitinda ng samu’t saring native na kakanin, tulad ng ibos, sinakol, mais at iba pa. Kaya’t ano pa ang hinihintay n’yo mga kosa?  Dalawin n’yo na ang Agony Hill at doon gunitain ang Good Friday.

 

vuukle comment

KALAY ALONSABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with