^

Police Metro

Sunog sa Las Piñas: 1 patay, 200 nawalan ng bahay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isa ang patay at mahigit daang indibidwal ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Brgy. Zapote sa Las Piñas kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Fire Chief Insp. Jessie Alumpiano ang nasawi ay kinilalang si Jefferson Tangher, isa sa residente ng Zapote Plaza sa Brgy. Zapote, ng naturang lungsod. 

Nabatid na nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na siya umabot ng buhay dahil sa tinamong mga paso at “suffocation”.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), unang sumiklab ang apoy dakong alas-9:23 ng gabi sa isa sa hindi mabatid na bahay. 

Kumalat ang apoy sa mga kabahayan hanggang sa umakyat ang alarma sa Task Force Bravo dakong alas-10:00 ng gabi.

Nagawa namang makontrol ng mga bumbero ang apoy upang hindi na kumalat sa malapit na palengke, mga bangko at iba pang establisimi­yento sa Zapote Road at nagdeklara ng fire out ang BFP dakong ala-1:08 na ng madaling araw na kung saan ay aabot sa higit P1 milyon ang ha­laga ng ari-ariang natupok sa insidente.  

vuukle comment

JESSIE ALUMPIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with