^

Bansa

Padyak driver dedo sa saksak at bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Utas ang isang 43-anyos na pedicab driver matapos pagbabarilin at pagsa­saksakin pa ng ‘di pa kilalang mga salarin, habang namamasada sa Balut, Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ilang saksak sa likod at tadtad pa ng tama ng bala ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktimang si Elliot Tayoni, residente ng No. 2225 Banaag St.,  Balut, Tondo ang dahilan ng kagyat na kamatayan.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa Escoda St., panulukan ng Gen. Luna St., sa Balut, Tondo.

Isang Joel Solito ang nakapagsabi sa imbestigador na nasa loob siya ng kanyang bahay nang makarinig ng mga putok ng baril at nang labasin ay nakita niyang nakahandusay na duguan ang biktima sa tabi ng  pedicab.

Inaalam pa ang motibo sa pagpatay at pagkilanlan ng mga sa­larin.

 

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with