NPA medic officer sumuko
MANILA, Philippines - Boluntaryong sumuko sa tropa ng militar ang isang medic officer ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Tubo, Abra, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni Lt. Col. Isagani Nato, Spokesman ng AFP-Northern Luzon Command ang sumukong medic officer na si Rose Manganip Sadgopen alyas “Ka Helen”.
Ayon kay Nato si Sadgopen ay sumurender sa tropa ng Army’s 81st Infantry Battalion (IB) ng 7th Infantry Division (ID) kamakailan. Isinuko rin nito ang kaniyang armas na isang Colt cal. 45 pistol na may isang magazine.
Sinabi ni Ka Helen na siya’y isang medic officer ng NPA sa ilalim ng Squad Uno, Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) simula pa noong dekada 80.
Sa tala si Ka Helen ang ika-22 rebelde na sumuko sa tropa ng AFP Northern Luzon Command simula noong Marso 31 ng taong ito.
Iniulat din ng AFP-NOLCOM na humina na ang puwersa ng NPA rebels sa Cordillera Region habang patuloy ang opensiba sa komunistang grupo.
- Latest