^

Police Metro

2 holdaper dedo sa barilan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang dalawang lalaki na hol­daper matapos na maki­pagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Inilarawan ng pulis­ya ang unang suspek na nasa pagitan ng edad 40-45, may taas na 5’6”-5’7”, medium built ang katawan, nakasuot ng puting t-shirt at puting jersey shorts at may tattoo na Bahala na Gang sa kanang kamay habang ang ikalawa ay sa pagitan ng 30-35-anyos, may taas 5’5”-5’6”, nakasuot ng kulay gray na t-shirt at pulang pantalon.

Batay sa ulat, bago naganap ang barilan dakong alas-3:05 ng madaling araw sa panulukan ng  Yuseco at Oroquieta  Sts., Sta. Cruz ay nakatanggap ng tawag ang pulisya na may dalawang lalaki na armado ng baril na nangtangkang mangholdap.

Rumesponde ang mga tauhan ng Blumentritt Police Community Precinct (PCP) sa lugar, subalit nang mamataan sila ng dalawang suspek ay agad na nagpaputok.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan at napatay ang dalawang suspek na kung saan ay narekober ang dalawang kalib­re 38 baril, tatlong plastic sachet ng shabu at isang sling bag na may lamang anim na iba’t ibang uri ng cellphone at isang tablet na pinaniniwalaang mga nakaw.

vuukle comment

BLUMENTRITT POLICE COMMUNITY PRECINCT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with