^

Punto Mo

‘Hepe ng DILG sinibak!’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

ALAM niyo ba ang ibig sabihin ng Sueno? Ito’y salitang kastila na ibig sabihin ay inaantok. Subalit ibang klaseng Sueno ata ito, gising na gising, alertong-alerto sa anong mga pwedeng pakinabangan.

Korapsyon at ilang hindi maipaliwanag na kayamanan. Ito ang dahilan kung bakit tinanggal ni Presidente Rodrigo Duterte sa posisyon si Department of Interior and Local Government (DILG) chief Ismael Sueno.

Pangalawa si Sueno sa natanggal sa gabinete ni Presidente matapos hindi kilalanin ang pagkaka-appoint kay Perfecto Yasay dahil sa usapin ng citizenship nito.

“You’re fired,” ganito kasimple ang pahayag ni Presidente Duterte kay Sueno matapos ang kanilang cabinet meeting.

Ilan sa mga isyu na ibinabato kay Sueno ay ang tungkol sa kontrata sa pagbili ng fire trucks sa Australia.

Alam din umano ng Presidente ang tungkol sa pagdiskarte ni Sueno na magkapera kaya ito nakapagpatayo ng hotel sa South Cotabato at pagbili ng trak para sa kanyang farm sa nasabing lugar.

Tatlo sa undersecretary ni Sueno ang nagpaalam sa Presidente ng pagkakasangkot nito sa umano’y korapsyon.

Mariin namang itinanggi ni Sueno ang mga paratang sa kanya at sana daw ay na-validate muna ang mga natanggap na impormasyon.

Paraan daw ito ng mga taong naghahangad sa kanyang posisyon.

Malinis daw ang kanyang konsensya at hindi siya korap. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya at buong puso niyang ginampanan ang kanyang trabaho.

Ang hotel ay pag-aari ng kanyang kapatid habang ang mga trak ay sa kanyang anak na babae.

Hindi niya daw tinanggap ang panunuhol ng mga gambling lords at ang kontrata daw sa fire trucks ay ayos na ang kontrata nung nakaraan pang administrasyon.

Matatandaan na si Sueno ang humikayat kay Presidente Duterte na tumakbo bilang Pangulo ng bansa.

Nung nakaraan lang ay 92 empleyado mula sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno ang tinanggal ng Presidente dahil sa korapsyon.

May opisyal pa na nababalitang maaalis din sa posisyon ngunit ayaw pa nilang isapubliko ito sa ngayon.

Maganda ring ehemplo ito na kahit na itong si Sueno ay nangampanya sa kanya inuna nya ang kapakanan ng bayan at tinanggal niya sa pwesto para hindi na matularan pa.

Ang tanong kakasuhan kaya ito o basta itatago na lang para malimutan?

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with