^

PSN Showbiz

Pia at Marlon sawa na sa bashers, pahinga muna sa social media

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi ipinost nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger ang picture na magkasama sila sa birthday ng huli last April 4. Sa IG story lang yata ni Marlon lumabas ang picture na naglalakad sila ni Pia at may video na kumakain ang da­lawa.

Masaya sina Pia at Marlon sa nakita naming video na tiyak ikatutuwa ng kanilang fans na namumurublema sakaling mauwi sa break-up ang relasyon ng dalawa dahil sa isyung may kambal na anak si Marlon.

Magandang desisyon ang ginawa nina Marlon at Pia na hind i-post sa kani-kanyang social media account ang picture at video nilang magkasama.

?Sharon ayaw nang patulan si Gabby?

Wala pa kaming nababasang sagot ni Sharon Cuneta sa “Script” comment ni Gabby Concepcion na ang tinutukoy ay script ng movie na gagawin sana nila sa Star Cinema.

Pinost kasi ni Sharon sa Instagram ang lumabas na article na sinabi niya ang kanyang mga rason kung bakit gusto niyang gawin na ang reunion movie nila ni Gabby.

Obvious na nabasa ni Gabby ang article, kaya napa-comment ito ng “Script.” Sa one word na comment ni Gabby, tuwang-tuwa na ang kanilang fans na ma­tagal nang naghihintay ng kanilang reunion movie. Hintayin natin ang magiging sagot ni Mega sa hinihinging script ni Gabby.

In all fairness, consistent si Gabby dahil sa ilang beses na nakakausap namin ito, ang magandang script ng reunion movie nila ni Sharon ang laging binabanggit. Para raw masiyahan ang fans, kailangang maganda ang script na siguro naman, kayang-kayang magawa ng Star Cinema.

Ang magiging problema lang ay ang schedule ni Gabby lalo’t six times a week na ang Ika-6 Na Utos at nadagdagan ang taping day nila. Four times a week na sila mag-taping ngayon at pati nga bakasyon, hindi maisingit ni Gabby dahil focus siya sa taping ng daytime program. Lagi nitong sinasabing priority niya ang contract sa GMA-7 kung saan, he signed a two-year exclusive contract.

Sa tanong kung paano kung i-renew ng network ang kanyang kontrata? Wala munang sagot ang aktor.

Samantala, 9.6 percent ang rating ng Ika-6 Na Utos sa first Saturday airing nito last April 1.

Eula hindi magpapang-abot ang shows sa magkaibang network

Wala naman palang rason para magalit ang Encantadiks kay Eula Valdez sa pagkakasama nito sa cast ng teleserye na Kung Kailangan Mo Ako. Sa June pa ang airing ng ABS-CBN teleserye na tinatampukan nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil by the time na airing ito, tapos na ang Encantadia

Ang taping ni Eula sa dalawang shows ang mag-aabot kung sisimulan na ang taping ng Kung Kaila­ngan Mo Ako dahil tuluy-tuloy pa rin ang taping niya sa Encantadia. Kaya unfair kay Eula ang comment na dapat tapusin muna niya ang airing ng fantaserye dahil ‘yun naman talaga ang mangyayari

Ginagampanan ni Eula ang role ni Avria sa Encantadia, isa siya sa main kontrabida at nagpapahirap sa mga Sang’gre. Ang maganda sa role ng aktres, may fight scenes na, may mga eksenang kumakanta pa siya. Totoong boses ni Eula ang maririnig at hindi lip sync. Mahirap lang gayahin ang kanta nito dahil sa wika ng mga taga-Encantadia na Nchanta.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with