^

PSN Showbiz

Juday binalikan ang Bet..., kanselado na ang teleserye

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Excited na si Judy Ann Santos sa kanyang pagbabalik sa te­lebisyon. Malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang bagong season ng Bet On Your Baby na ang aktres ang host.

Matatandaang hindi natuloy ang tele­seryeng Someone To Watch Over Me noong 2015 na dapat ay pagtatambalan nina Juday at Richard Yap dahil sa pagbubuntis ng aktres. “Excited ako na ma-doll up kasi sa ganitong show lang naman ako pwedeng i-glam. Napahinga ako for more than a year so I’m happy. I’m sure matutuwa ang mga tao, lalo na mga bata ‘pag nakita nila ito,” nakangiting bungad ni Judy Ann. 

Pangatlong season na ito ng nasabing programa pero hanggang ngayon ay nagbibigay pa rin daw ng payo ang asawang si Ryan Agoncillo pagdating sa pagho-host ni Juday. “Kapag nagho-host, I have to preserve my voice kasi napapansin niya pag-uwi ko ng bahay ay paos na ako at patay na energy ko. So ‘yun lang ang sinasabi niya, ‘You have to preserve your voice and enjoy,’” kwento ng aktres. 

Ayon kay Juday ay tiyak na pakaaabangan ng mga manonood ang Bet On Your Baby dahil talagang nakaaaliw ito. “May mga bagong pasabog, pa-cute nang slight. I’m so excited and I’m so happy at magkikita kami ulit ng mga baby,” pagtatapos niya.

Daniel gustong isama sa biyahe ang kamag-anak, Kathryn negosyante na rin 

Sa April 26 ay magdiriwang ng kanyang ika-dalawampu’t dalawang kaarawan si Daniel Padilla. Ang tanging hiling lamang daw ng aktor ay makapagbakasyon bago pa sumabak sa teleseryeng La Luna Sangre. “’Di natin pwedeng sayangin kasi magsisimula na ang La Luna so last travel bago ang ‘La Luna.’” Gusto rin lamang makasama ni Da­niel sa kanyang kaarawan ang mga mahal sa buhay lalo na ang mga kamag-anak na hindi madalas nakikita at nakakasama. “Sana ay makita ko sila sa birthday ko. Gusto ko pamilya, kaibigan, lahat at masaya lang. Okay na sa akin ‘yon. Kung pwede ko sila i-travel lahat ay gagawin ko para lang maging sulit itong birthday ko,” naka­giting pahayag ni Daniel. 

Ngayon ay abala ang aktor sa promo ng pelikulang Can’t Help Falling In Love na pinagtatambalan nila ni Kathryn Bernardo. Mapapanood na sa mga sinehan ang nasabing proyekto sa April 15 o Sabado de Gloria. 

Samantala, isang negosyo raw ang sisimulan ni Kathryn sa susunod na buwan. Excited na raw ang aktres sa pagbubukas ng sariling nail salon sa isang mall sa Quezon City. “Last week lang nag-photo shoot na kami para sa nail salon ni mama. Noong una naglalaro-laro lang kami. Ang saya-saya niyang gawin kasi mahilig ako magpa-nails (service). So gusto naming ma-experience rin ng ibang tao,” pagbabahagi ni Kathryn.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with