War on drugs ‘di apektado sa pagsibak kay sueno
MANILA, Philippines - Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi makakaapekto sa pagpapatuloy ng ikalawang yugto ng giyera sa droga ang ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior and Local Government Secretary Mike Sueno.
Si Sueno ay sinibak ni Pangulong Duterte sa puwesto sa isinagawang ika-14 cabinet meeting kagabi sa palasyo ng Malacañang dahilan sa pagkawala umano ng ‘trust and confidence’ sa pamumuno nito sa kagawaran ng punong ehekutibo.
Sinasabing nakakabangga umano ni Sueno ang kaniyang mga Undersecretaries dahilan sa umano’y palpak nitong pamamalakad bagay na nakarating sa Pangulo.-
- Latest