^

Police Metro

Mag-ina, lover na nasa drug list, itinumba

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang mag-ina at live in partner nang pasukin ang kanilang bahay at pagbabarilin ng mga suspek kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Wilma Liwanag “alias Ada”; anak na si Aries, 31 at ang  live-in-partner ng una na kinilalang si “alias Boy, nasa 55 hanggang  60-anyos.

Nasugatan naman ang anak ni Aries na si Albert Liwanag, 5 nang tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang balikat.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-9:50 ng gabi ay nagpapahinga ang mga biktima loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Block 3, Lot 8, Phase 9, Package 7 Brgy. 176, Bagong Silang  nang puwersahang pumasok ang mga suspek na naka-bonnet at face mask at agad na pinagbabaril ang mga biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek at dinala sa ospital ang bata nang tamaan ng ligaw na bala.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45, plastic sachet  na naglalaman ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Ayon sa Caloocan City Police, nasa “drug watch list” nila ang mga biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with