^

PSN Showbiz

Encantadia at Mulawin vs. Ravena stars nagpaandar sa Araw ng Dabaw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mainit na tinaggap ng mga Dabawenyo ang mga bida ng top-rating na GMA primetine series na Encantadia at ng inaabangang Mulawin vs. Ravena sa iba’t ibang mall shows ng mga ito noong March 16 at 17 bilang pagdiriwang ng 80th Araw ng Davao.

Hindi na nga maitago pa ang excitement ng Dabawenyo sa paglipad ng Mulawin vs. Ravena nang sumampa ang bida nitong si Dennis Trillo sa stage ng Gaisano Mall Toril noong March 16 para sa Kapuso Mall Show ng programa. Kasama rin ni Dennis ang kanyang Mulawin vs. Ravena co-stars na sina Dion Ignacio at Kiko Estrada. Gaya ni Dennis, siniguro nina Dion at Kiko na memorable ang hapon na iyon para sa mall goers.

Inabangan din ng fans ng mga love team na BiGuel at DerBea ang pagdating ng  kanilang mga idolo sa Abreeza Mall noong hapon ding iyon. Tili at sigaw ang bumati  sa Mulawin vs. Ravena stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali; at Derrick Monasterio at Bea Binene. Ipinamalas ng young Kapuso stars ang kanilang talent sa pagkanta at pagsayaw na ikinatuwa naman nang husto ng mga manonood.

Kinabukasan (March 17), chance naman ng mga Enkantadiks na personal na makita at makasama sa SM City Davao ang tatlo sa kanilang paboritong Encantadia stars.

Jampacked ang activity center ng fans na inaangan sina Ruru Madrid, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro sa kanilang Kapuso Mall Show. Sa rami ng taong naroroon, pati na ang second floor ng mall ay napuno ng fans na gustong makanood ng nasabing show.

Hindi naman sila nabigo dahil all-out performance ang ibi­nigay nina Ruru, Sanya, at Glaiza.

vuukle comment

ENCANTADIA AT MULAWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with