^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Inaabuso ang 4Ps

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Inaabuso ang 4Ps

GINAGAWA ng gobyerno ang lahat nang paraan para matulungan ang mahihirap na mamamayan. Tinutulungang maitawid ang pamumuhay hanggang sa magkaroon ng sariling kabuhayan at hindi na umasa pa sa bigay ng pamahalaan. Isa sa tulong na pinagkakaloob ng pamahalaan ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung saan mayroong cash cards na iniisyu ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mahihirap. Parang ATM card ito na iwi-withdraw ang buwanang cash grants sa mga banko ng gobyerno. Sa Metro Manila, tinatayang 196,104 sa kabuuang 227,373 4Ps households ang tumatanggap ng cash grants sa pamamagitan ng cash cards.

Pero ayon na rin sa DSWD, maraming bene­ficiaries ang gumagawa nang hindi maganda sa kabila nang pagtulong ng gobyerno. Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, marami silang natanggap na report na “isinasangla” ng mga benificiaries ang kanilang $Ps cash card. Ayon pa sa DSWD secretary, nakahuli na sila ng 15 bene­pisyaryo sa Caloocan at Valenzuela na isinangla ang kanilang cash cards. Mula Enero hanggang Marso 2017, may kabuuan nang 7,798 households sa Metro Manila ang kanilang inalis sa listahan dahil sa “pagsasangla” ng cash cards. Sa buong bansa, nasa 243,420 4Ps households na ang kanilang inalis sa listahan at marami pa umano ang iniim­bestigahan ng social workers.

Kung magpapatuloy ang ganitong pang-aabuso ng mga mahihirap sa tulong ng gobyerno, mas maganda pang itigil na ang pamamahagi ng cash cards sa mga tao. Hindi sila nararapat tulungan sapagkat walang ginagawa para mapaunlad ang sarili. Sa halip na magsikap ay naghihintay lamang mula sa gobyerno at ang masaklap, isasangla pa ang cash cards para magastos nang maaga. Hindi worth tulungan ang mga taong ganito. Kung hindi mapapatino ang mga tumatanggap ng 4Ps, mag-isip na nang ibang paraan ang DSWD kung paano matutulungan ang ibang nangangailangan na hindi na sangkot ang pera. Kapag pera ang ibi­nigay, masa madaling gastusin sa mga walang kapararakang bagay.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with