^

Police Metro

Bangkay ng ginang na naaagnas nadiskubre

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng ginang na nasa state of decomposition ang nadiskubre ng kanyang mga kapitbahay na nakaamoy ng nakakasulasok na  amoy mula sa bahay nito sa Barangay Little Baguio, San Juan City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang ma­diskubre ang bangkay ng biktimang si Necitas Tan, nasa hustong gulang, sa loob ng kanyang bahay na matatagpuan sa 294 Jose Abad Santos St., Barangay Little Baguio.

Nauna rito, nakaamoy umano ng masangsang ang mga kapitbahay ng biktima mula sa bahay kung saan mag-isang naninirahan si Tan kaya’t kinatok ngunit wala namang sumasagot.

Naghinala ang mga kapitbahay na may masamang nangyari kay Tan, kaya’t kinontak nila ang anak nitong si Veronica Paredes, na siya namang humingi ng tulong sa mga pulis.

Pagdating ng mga pulis sa bahay at binuksan ang bahay ay bumulaga ang naaagnas na bangkay ng biktima.

Sa ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), posibleng may limang araw nang patay ang biktima dahil sa pagkaagnas na ng katawan nito. 

 

vuukle comment

NECITAS TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with