^

PSN Showbiz

Sikat na actress-TV host nadiskubre na tatlo silang kabit ng negosyanteng madatung!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

‘Yung isang kilalang opisyal na nakakaladkad ngayon ang pangalan tungkol sa isang matinding kontrobersiya ay nakarelasyon din ng isang pamosong aktres-TV host.

‘Yun ang mga panahong naliligo sa mga bonggang regalo ang female personality, saganang-sagana siya sa buhay dahil milyonaryo ang opisyal, ginagawa lang niyang kapitbahay ang iba-ibang bansa sa dalas niyang bumiyahe.

Natural, ang gumagastos sa kanyang mga trip sa ibang bansa ay ang milyonaryong businessman, puwede pa nga siyang magsama sa biyahe ng kanyang mga kaibigan nang walang kaproble-problema sa ticket sa eroplano.

Napakabongga ng buhay nu’n ng aktres-TV host, abot-kamay lang niya ang lahat ng mga branded stuff, ganu’n ngang magpaligo ng pagmamahal ang milyonaryong negosyante.

Pero nagsawa rin sa ganu’ng klase ng buhay ang female personality, pakiramdam niya ay para siyang inutil na nakaangkla lang siya sa kanyang mayamang boyfriend, nawawalan na ng saysay ang kanyang talento para pakinabangan sa trabaho.

Kuwento ng isang source tungkol sa nakaraang relasyon ng aktres-TV host at ng milyonaryong businessman, “Rolex ba kamo? Lahat ng klase nu’n, meron si ____(pangalan ng female personality)!

“Puwede siyang magpalit ng Rolex araw-araw, pero ang tanong, masaya ba naman siya sa poder nu’ng negosyante? Waley! Sagana lang siya sa material things, pero hindi siya happy.

“Paano naman siya magiging masaya, e, nalaman niya na tatlo pala silang magkakasabay na karelasyon ng milyonaryong businessman? Kaya pala siya sinusuhulan ng mga bonggang-bonggang regalo at trips abroad, e, para makapaglipat-lipat ‘yung guy sa iba-ibang kandungan?

“’Yung girl na ang nakipaghiwalay. Hindi na niya na-take ang sitwasyon. Ngayon, kontrobersiyal ang milyonaryo, chicks pa rin ang issue, ang girl naman, e, nagpakasal na sa isang media personality na nagbibigay sa kanya ng pinapangarap niyang kaligayahan,” sabi ng aming source.

Ubos!

Aljur hinahanapan na ng trabaho ng manager ni Kylie

Pinagpipistahan ngayon sa social media ang may kaitimang kilikili ni Kylie Padilla. Wala na ngang ligtas ngayon sa social media, pati kilikiling nananahimik, nagiging malaking isyu na.

Pero mahusay sumagot si Kylie Padilla, pumapatol siya, pero sa bandang dulo ng kanyang sagot ay naibibigay niya ang tamang opinyon na ikinapapahiya ng umuupak sa kanya.

Saka ano naman ang problema kung may kaitiman man ang kilikili ni Kylie? Unang-una, nagdadalantao siya ngayon, ang pangingitim ng kilikili ay kakambal ng pagdadalantao.

‘Di nga ba’t isa ‘yun sa sinasabing mga palatandaan ng matatanda kapag lalaki ang nasa sinapupunan ng nagdadalantao? Nagbabago ang kulay ng kanyang armpit, medyo nangingitim, lumalaki rin ang ilong.

Ayos lang ‘yun, hindi dapat intindihin ni Kylie ang mga ganu’ng pamumuna, ang importante ay hindi ang kunsensiya niya ang maitim.

‘Yun naman ang pinakamahalaga. Hindi bale nang may pinapansing bahagi ng ating katawan na hindi perpekto, basta malinis ang ating kunsensiya, kumpleto na ang ating buhay.

Mababaw nga lang ‘yun kumpara sa inaabot na bira ngayon ng ama ng kanyang anak na si Aljur Abrenica. Mas kumakagat ‘yun dahil buhay at career na ng aktor ang palaging pang-upak sa kanya.

Tapos na ang kontrata ni Aljur sa GMA-7, ‘yun naman ang pinakahihintay na nito nu’n pa, pero ang tanong nga ay anong network naman kaya ang kukuha sa aktor?

Balitang si Betchay Vidanes na manager ni Kylie na rin ang magmamaneho sa career ni Aljur, ito ang magbebenta ngayon sa aktor, malaki ang posibilidad na maihanap nito ng trabaho si Aljur sa ABS-CBN.

Kailangang-kailangan ngayon ng trabaho ni Aljur Abrenica. Malapit nang manganak si Kylie, alangan namang ang babae pa ang gumastos sa kanyang panganganak?

Huwag kasing nagpapadalus-dalos sa pagkilos, hinay-hinay lang, kailangang mapag-aralan ni Aljur Abrenica ang pagpili sa mga giyerang pinapasok nito.

vuukle comment

KABIT NG NEGOSYANTENG MADATUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with