^

PSN Opinyon

Pambababae: New normal?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MABILIS talagang magbago ang mundo at ang kultura. Noong araw, itinuturing na karaniwan ang pagkakaroon ng higit sa isang partner ng isang lalaki bukod sa kanyang asawa. Pero ito ay palihim na ginagawa. Noong araw, puwedeng madismis sa serbisyo ang sino mang kawani o opis­yal ng gobyerno, babae man o lalaki kapag napatuna­yang may “kalaguyo.”

Ngunit iba na ang hihip ng hangin ngayon, simula nang maupong Presidente si Estrada (ngayo’y mayor ng Maynila) na lantad na “babaero” manginginom at sugarol. Pero ibinoto pa rin ng tao. Nagtakda ng precedent si Estrada. Mula noon, naging “new normal” na ang pambababae ng mga kalalakihan. Ang katuwiran: “Man by nature is polygamous.”

Iyan din ang katuwiran ngayon ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos maibalita na ang away nila ng kanyang dating matalik na kaibigang  si Rep. Tonyboy Floirendo ay dahil sa awayan ng kanilang mga “other women.”

Sabi ni Mr. Speaker, sino ba naman daw ang walang girlfriend ngayon? As if lahat ng kalalakihan ay babaero. Hindi totoo iyan ah. Marami pa ring “one woman men” sa ating mga responsableng kalalakihang Pilipino.  At sabihin mang karamihan ng lalaki ay nambababae, hindi pa rin ito tama kahit ba ang basehan ng pagiging normal ay kapag ginagawa ito ng nakararami. Hindi ako umaasal “moralista.” Pero hindi tama para sa isang public servant na maging babaero. Bakit? Hindi naman malaki ang suweldo ng public officials upang makayanang tustusan ang pangangailangan ng maraming pamilya.

Ang mangyayari, gagawa ng katiwalian para masustentuhan ang dalawa o higit pang pamilya. Kahit ang Pa­ngulo ay inaaming babaero siya. Hindi ko alam kung paano niya napagkakasya ang sahod niya sa marami niyang paramour pero harinawang hindi ito sa pamamagitan ng paggawa ng katiwalian. Afterall, bukambibig na krusada ng Pangulo ang pagsugpo ng corruption sa gobyerno. Kaya huwag na nating ikonsidera ang religious reason kundi ang posibilidad na maaaring maging “kurakot” ang isang public official para matustusan ang pangangailangan ng mga querida.

vuukle comment

PAMBABABAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with