^

PSN Opinyon

Bitay o habambuhay na kulong sa pusakal?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI totoong mas mura ang death penalty kaysa habambuhay na kulong sa mga pusakal. Sa karanasan ng mga states sa Estados Unidos at Europe na may bitay, umaabot sa tatlo hanggang apat na beses itong mas mahal kaysa pakain, pangligo, at panglibang ng sentensiyado. Magastos ang pasilidad, lason, at proseso ng bitay.

Sa debate kung ibabalik ang parusang bitay o patatagin ang koreksiyonal, ang isyu lang ay ang pakay ng hustisya. Dalawa ang pakay nito: patinuin ang pusakal, at parusahan siya. Papano ito pinaka-mabisang makakamit, sa bitay o sa kulong?

Argumento ng isang panig, masyadong madaling parusa ang bitay. Isang lethal injection lang, tapos na. Wala nang pagkakataon matauhan ang pusakal para pagsisihan ang krimen. Mas masaklap, hindi na rin niya pagdudusaan ang karumal-dumal na ginawa: murder, rape, human trafficking, terorismo, drug trafficking. Kapag mahigpit ang palakad sa koreksiyonal, na siya namang dapat, mas gugustuhin pa ng pusakal na mamatay na agad. Malamang pa nga na manggulo siya para mapatay ng guwardiya o ng kapwa-bilanggo.

Ito naman ang kabilang argumento. Nag-survey umano sa America matapos patumbahin ang New York Twin To­wers kung saan 3,500 ang namatay nu’ng Sept. 11, 2001. Ano ang nais nilang parusa sa mga umatake? Mas marami ang humingi ng habambuhay na kulong. Mas matinding parusa umano kung alam ng pusakal na hindi na siya makakalabas pang muli. Hindi niya mapapasyalan ang magagandang tanawin o mga lugar ng masasayang karanasan. Hindi na niya makakapiling ang mga mahal sa buhay. Hindi na niya muli mararanasan ang kalayaan. Tatanim sa isip niya na mamamatay siyang nag-iisa, walang nagdadalamhati, at ni walang makikipag-libing.

* * *

 Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BITAY O HABAMBUHAY NA KULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with