^

PSN Opinyon

Tinanggap ni Leni ang imbitasyon ni Digong

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita dahil umano’y tinanggap na ni Vice Pres. Leni Robredo ang imbitasyon ni Pres. Digong Duterte na sila’y maghapunan kasama ang kanyang mga anak. Sa palagay ko, maganda itong simula ng pagkakaisa ng dalawang mataas na lider ng bansa. Ang hindi ko maintindihan sinabi na ni  President Digong sa kanyang mga alipores na “stop it” tungkol sa impeachment na inihanda ng mga kongresista kay VP Leni. Bakit kaya sinabi na ni President Digong na tigilan na si VP Leni pero patuloy pa rin silang pumuputak. Nagkaroon na ba ng lamat ang samahan ng mga taga-PDP-Laban?

Tulad na lang ng dalawang mahigpit na tagasuporta ni President Digong nung nakaraang election na sina Speaker Pantaleon Alvarez at Rep. Antonio Floreindo Jr. Nung umpisa, si Alvarez at Floreindo ay magkaibigan. Totoo kaya ang balita na hindi sila nagkaintindihan dahil sa isang babae? Bakit hindi pumagitna si President Digong sa dalawa? Pare-pareho naman silang mga taga-Davao, kapag hindi tumigil ang dalawang mambabatas, malamang marami pang lalabas sa kanilang mga bibig na hindi magugustuhan ng isa’t isa.

Pag-uusap nang masinsinan ang kailangan ni President Digong at VP Leni para maliwanagan ang mga gusot sa pagitan ng dalawang mataas na lider ng ating bansa. Hindi naman sa kanilang dalawa galing ang gulo na ito  kundi gawa-gawa ng kanilang mga kapartido sa pulitika. Wala namang gusot na hindi nadadaan sa mabuting usapan di ba? Ako’y naniniwala dito sa ating dalawang lider tungkol sa kanilang katapatan maglingkod sa ating bayan. Kaya tama na ang pasaringan sa isa’t isa magpokus na lang sa trabaho.

Imbes na pagsabungin tulungan na lang natin sina President Digong at VP Leni na paunlarin ang bansa.

vuukle comment

DIGONG DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with