^

Probinsiya

Gf nabaril, mister nabuking ni misis!

Pilipino Star Ngayon

SANTA ANA, Cagayan , Philippines  – Natiklo tuloy na may kabit ang isang mister matapos na mabaril nito ang kanyang kasintahan dahil sa selos sa Barangay 54-B Camanggaan Laoag City, Ilocos Norte, kamakalawa.

Nakilala ang nabu­king na mister na si Silver Agudong, ng Barangay 18, Sarat, Ilocos Norte.

Napag-alaman na nabaril ni Agudong ang kanyang umano’y kabit na si Raylen Ramilo, 25, tubong Abulon, Batan, Aklan at pansamantalang naninirahan sa Brgy. 54-B, Camanggaan sa nasabing lungsod matapos magkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa.

Sinasabing nagselos umano si Agudong kung kaya’t nabaril niya ang babae na mabilis isinugod sa Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital matapos tamaan sa tiyan.

Agad namang nahuli ang suspek at nakumpiska sa kanya ang isang .45 caliber pistol na ginamit sa pamamaril.

Dahil sa pangyayari, tuluyan na umanong nabuking ng misis ang mister na  may itinatagong ibang babae.

vuukle comment

SILVER AGUDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with