^

PSN Palaro

Pogoy gumana sa Texters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi siya ang bagong import, ngunit dinala ni Ro­ger Pogoy ang Tropang Texters sa kanilang pa­nga­lawang sunod na panalo.

Tumipa si Pogoy ng 24 points, ang 11 dito ay kanyang iniskor sa final canto mula sa perpektong 9-of-9 fieldgoal shooting  para ihatid ang TNT Ka­tropa sa 92-89 panalo laban sa Blackwater sa 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kinailangang buma­ngon ang Tropang Texters mula sa 10-point deficit sa third quarter para ilista ang 2-1 record, habang nalaglag naman ang Elite sa 0-4.

Tumapos ang bagong import na si Donte Greene na may 22 markers at 13 rebounds, habang nag-ambag sina Jayson Castro, Kelly Williams at Ranidel De Ocampo ng 13, 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

“It’s really hard when you go into a game not knowing to expect,” sabi ni head coach Nash Racela sa debut game ng  6-foot-9 na si Greene.

Kinuha ng Blackwater ang 73-63 kalamangan sa pagtatapos ng third period bago nakatabla ang TNT Katropa sa 87-87 mula sa dalawang sunod na basket ni Castro sa huling 2:56 minuto ng fourth quarter.

Ang dalawang mintis ni Niño ‘KG’ Canaleta, nag­mula sa Globalport  via trade, sa posesyon ng Elite ang nagresulta sa putback ni Pogoy at triple ni Larry Fonacier para sa 92-87 abante ng Tropang Texters sa natitirang 1:15 minuto ng laro.

Nagkaroon ang Blackwater ng pagkakataong makatabla matapos ang dalawang free throws ni import Greg Smith, ngunit tumalbog ang tangkang tres ni Canaleta.

Humakot si Smith ng 22 points at 31 boards para sa Elite kasunod ang tig-12 markers nina Kyle Pascual at Ronjay Buenafe.

Samantala, sa unang pagkakataon ay matu­tunghayan ang Barangay Ginebra sa aksyon sa kanilang pagharap sa Phoenix ngayong alas-5 ng hapon sa University of Southeastern Philippines Gym sa Davao City.

Ibabandera ng Gin Kings si 6-foot-5 import Justin Brownlee, tumulong sa kanila sa pagsikwat sa titulo ng 2016 PBA Governor’s Cup laban sa Meralco Bolts.

Nagposte si Brownlee ng mga averages na 28.6 points, 11.3 boards, 3.8 assists a 1.7 steals sa 22 laro niya sa Ginebra bilang kapalit ni Paul Harris sa 2016 PBA Governor’s Cup.

“I think he’s going to really be a problem for the other teams,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa 29-anyos na si Brownlee.

TNT 92 - Pogoy 24, Greene 22, Castro 13, Williams 11, De Ocampo 10, Rosario 4, Fonacier 3, Rosales 3, Reyes 2, Carey 0, Golla 0,

Blackwater 89 - Smith 22, Pascual 12, Buenafe 12, Sumang 9, Cruz 7, Pinto 7, Canaleta 6, Sena 4, Digregorio 4, Cervantes 4, Miranda 2, Gamalinda 0, Perez 0.

Quarterscores: 15-27; 39-41; 63-73; 92-89.

vuukle comment

RO­GER POGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with