Azkals dinomina ang Nepal sa AFC Asian Cup qualifiers
MANILA, Philippines - Minsan pang ipinakita ng Philippine Azkals ang kanilang dominasyon sa Nepal.
Ito ay matapos pabagsakin ng Azkals ang Nepal, 4-1, sa AFC Asian Cup Qualifiers noong Martes ng gabi sa Rizal Memorial Stadium sa Vito Cruz, Manila.
Ito ang ikaapat na panalo ng Azkals laban sa Nepal sa huli nilang limang pagtutuos.
Kasama ng Azkals ang Nepal, Tajikistan at Yemen sa Group F ng nasabing Asian Cup qualifiers.
Hangad ng Azkals na maging kauna-unahang Philippine team na makapaglalaro sa bigating AFC Asian Cup.
Nagsalpak si Phil Younghusband ng dalawang goals sa first half para pamunuan ang Azkals sa panalo kontra sa Nepalese.
Kumonekta naman si Iain Ramsey ng goal sa pang-28 minuto para ibigay sa Azkals ang 3-0 bentahe laban sa Nepal.
Ito ay lubos na ikinatuwa naman ni coach Thomas Dooley.
“I’m very happy with three points, I’m happy with how we created combinations,” sabi ni Dooley sa kanyang Azkals.
- Latest