^

PSN Palaro

Triple-double ni Harden sinapawan ng Warriors

Pilipino Star Ngayon

HOUSTON -- Nagsalpak si Stephen Curry ng 32 points at nalampasan ng Golden State Warriors ang itinalang ika-20 triple-double sa season ni James Harden para talunin ang Rockets, 113-106.

Ito ang pang-walong sunod na arangkada ng league-leading na Warriors.

Kumonekta si Curry ng isang three-pointer sa huling 1:46 minuto ng fourth quarter para ibigay sa Golden State ang double digit lead matapos makalapit ang Houston sa likod ni Harden.

Nag-ambag naman si Klay Thompson ng 25 points para sa Warriors, pinaganda ang record sa 60-14 kumpara sa Rockets na pumapangatlo sa West sa ilalim ng Golden State at San Antonio Spurs.

Nagdagdag si Draymond Green ng 19 points, 9 rebounds at 3 steals para sa Warriors, nalampasan ang itinalang 24 points, 11 rebounds at 13 assists ni Harden.

Sa Portland, humataw si C.J. McCollum ng 39 points at nagdagdag si Jusuf Nurkic ng career-high 33 para akayin ang Trail Blazers sa 122-113 panalo kontra sa Denver Nuggets sa pagtutuos ng dalawang koponang naglalaban para sa playoff spot.

Naglista si Damian Lillard ng 19 points, 7 assists at 6 rebounds para sa Trail Blazers, umangat ng isang pa­nalo sa Nuggets para sa eighth at final playoff berth sa Western Conference.

Nakamit ng Portland ang head-to-head tiebreaker da­hil sa kanilang pananaig sa tatlo sa apat na laro nila ng Denver sa regular-season games.

Sa Atlanta, naisuko ng Hawks ang itinayong 18-point lead ngunit nakabalik sa porma para kunin ang 95-91 panalo laban sa Phoenix Suns.

Tinapos ng Atlanta ang kanilang seven-game NBA losing slump.

Humugot si German guard Dennis Schroder ng 17 sa kanyang 27 points sa first quarter hanggang manahimik sa final period.

Nagsalpak si Schroder ng dalawang three-pointers sa inihulog na 17-1 bomba ng Hawks para tuluyan nang gibain ang Suns.

vuukle comment

STEPHEN CURRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with