^

Bansa

BDO branches umabot na sa 1, 000

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Lalo pang tumatag ang network of branches ng BDO Unibank nang magbukas ngayong buwan ang ika-1000 at pinakabagong sangay  nito sa Barangay Buhain, isa sa mga mataong lugar sa Davao City. 

Ayon kay Jaime C. Yu, senior executive vice president ng BDO at pinuno ng branch banking, isang milestone ang pagkakaroon nito ng 1000 bilang ng branches, na nagsisilbing patunay sa pagtupad nito sa pangakong maabot ang publiko saan man sila naroon – sa lungsod man o sa kanayunan.

“Kinikilala namin na humigit-kumulang sa 70% pa ng populasyon ang walang bank account o sasali pa lamang sa pormal na sektor ng pagbabangko. Ang patuloy na pagdami ng aming mga branches ay paraan ng pagbubukas ng oportunidad sa mga indibidwal na maranasan ang benepisyo ng pagbabangko.” Ani Yu.

Matapos ang taong 2016, umabot sa 982 ang sangay ng BDO (kabilang na ang nasa Hong Kong). Mula sa kabuuang bilang, 492 ang matatagpuan sa Metro Manila, 305 sa Luzon, 108 sa Visayas, at 76 sa Mindanao. Plano ng BDO na magbukas pa ng karagdagang 60 branches upang lalo pang mapunan ang network nito sa bilang na 1,042 bago matapos ang taong 2017.

Nananatiling isa sa pinakamatatag sa industriya ng pagbabangko ang domestic distribution network ng BDO – na kilala sa mahabang oras ng pagbabangko, at pagiging bukas nito maging tuwing Sabado, Linggo, at mga araw ng bakasyon. Kaakibat din ng malawak na pag-abot sa merkado ang pagkakaroon ng BDO ng 3,600 na ATMs at iba pang electronic channels.

vuukle comment

BDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with