^

Bansa

Panggagahasa sa mga estudyante dumarami, DepEd naalarma

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ikinaalarma ng Department of Education (DepEd) ang mga insidente ng panggagahasa sa mga estudyante kaya’t umaapela ito sa publiko, partikular sa mga magulang, na maging vigilante upang maiwasan ang ganitong uri ng pang-aabuso. 

Ang apela ay ginawa ng DepEd matapos ang mga ulat na isang 12-anyos na batang babae, ang ginahasa ng kanyang limang schoolmate sa Malabon City; isang Grade 10 ang ginahasa ng limang menor de edad din sa Sta. Maria, Bulacan at isang 11-taong gulang na estudyante na ginahasa rin ng kanyang apat na schoolmate sa Ajuy, Iloilo.

Kasabay nito, tiniyak naman ng ahensya na pinaiimbestigahan na nila sa mga legal office ng mga concerned schools ang naturang mga rape cases upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Ayon sa DepEd, ba­ga­mat maraming oras ang ginugugol ng mga estudyante sa paaralan, mas malaking porsiyento ng kanilang araw-araw na interaksyon at values formation ay nagaganap sa labas ng paaralan kaya’t kailangan umano ng mga guro ang tulong ng publiko, partikular ng mga magulang, para mahubog ang mga bata sa tamang pag-uugali.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with