^

Probinsiya

Manugang binoga ng biyenan, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bulagta ang 45-anyos na guro na sinasabing seng­lot matapos itong barilin ng kaniyang biyenang lalaki sa labas sa Barangay Pob­lacion, bayan ng Kabugao, Apayao kamakalawa.

Napuruhan at idineklarang patay sa Kabugao District Hospital ang biktimang si Jaime Enciso. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Peter Patayan, 68, may asawa, retiradong ka­wani ng gobyerno at residente sa nasabing lugar.

Sa ulat ng Cordillera police na naisumite sa Camp Crame, nakainom ng alak ang biktima nang dumating sa bahay ng biyenan upang sunduin ang kaniyang misis  dahil bibiyahe na sila patungong bayan ng Luna, Apayao.

Gayunman, pinukol ng bato ng biktima ang bahay ng biyenan dahil sa matinding pagkairita para lumabas ang kaniyang misis na ayaw pang umalis dahil inaantok pa ito.

Kaagad namang lumabas ang biyanang lalaki dahil sa pag-iingay ng biktima kung saan sumiklab ang pagtatalo hanggang sa maganap ang pamamaril.

Narekober sa crime scene ang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

JAIME ENCISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with