^

Krema

Krema (154)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TUNGKOL sa amin ng Tiyo Mon mo,’’ sabi ni Krema na hindi makatingin nang deretso kay Lex.

‘‘Ano ang tungkol sa inyo ni Tiyo, Krema ?’’’

‘‘Baka magulat ka Lex.’’

‘‘Ano nga yun, Krema. Sabihin mo na.’’

“Hindi naman talaga kami mag-asawa ng tiyo mo.’’

“Ano?’’

“Hindi kami mag-asawa, Lex.’’

Nagtawa si Lex.

“Huwag ka namang mag­biro ng ganyan, Krema. Ang tagal n’yong nagsama tapos sasabihin mong hindi kayo mag-asawa.’’

“Totoo ang sinabi ko Lex. Ano naman ang mapapala ko kung magbibiro ako. Maniwala ka sa sinasabi ko Lex.’’

“Pero nagpakasal kayo di ba?’’

“Hindi.’’

“Sabi sa akin ni Tiyo Mon, nagpakasal kayo. Sa huwes daw kayo nagpakasal.’’

‘‘Hindi totoo yun. Sinabi lang niya yun para papaniwalain ka. Hindi kami nagpakasal.’’

‘‘Naguguluhan ako, Krema. Ano ang dahilan niya para ipamalita na mag-asawa kayo.’’

“Wala lang. Gusto lang niyang may kasama siya sa bahay. Parang proud siya na may kasamang bata at sariwang babae sa kanyang bahay. Siguro’y nakakadagdag din ng tikas sa lalaki ang sabihing may pumatol sa kanyang babae.’’

Nakatingin lang si Lex at hindi pa rin ganap na kumbinsido na hindi mag-asawa sina Krema at kanyang namayapang Tiyo Mon.

“Sobrang bait ng Tiyo Mon mo. Ipinakita niya ang pagiging mabuting kaibigan sa aking ama. Tinupad niya ang pangako na hindi ako pababayaan. Kung wala ang tiyo mo, baka napariwara na ako. Maraming nagnanasa sa akin. Lahat ay gustong matikman ako. Pero ang tiyo mo, nanatili siyang tapat sa aking ama at hindi niya ako pinabayaan.’’

“Kung hindi kayo kasal o hindi kayo mag-asawa, paano ang inyong pagsisi-ping. Paano kayo nagtatabi sa higaan?’’

“Hindi naman kami nagtatabi sa higaan. Sa labas siya ng kuwarto natutulog.’’

‘‘Hindi kayo nagtatalik?’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with