2 arestado sa P.3-M shabu
LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Dalawang notoryus tulak-droga ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit sa isinagawang buy-bust operation kung saan aabot sa P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon kahapon ng ?umaga. Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Art Brual Jr. chief of police sa Lucena City, kinilala ang mga suspek na sina Bernard Palaganas, 43, ng Purok Tulungan, Barangay Cotta; at Arjay Zamora, 30, ng Purok Carmelita, Pleasantville Subdivision sa Barangay Ilayang Iyam.? Narekober sa bahay ng mga suspek ang 28 plastic sachet na shabu (78 gramo) na may street value na P.3 milyon.
- Latest