Walang Pinoy sa London attack
MANILA, Philippines - Walang Filipino na nadamay sa nangyaring pag-atake sa Westminster Bridge sa London, ayon sa Embahada ng Pilipinas sa United Kingdom.
“So far, we have not received any reports of Filipinos affected by the incident in London. We advise Filipino nationals to remain vigilant and monitor local security advisories,” pahayag ng embahada.
Minaneho umano ng suspek ang isang kotse sa mga pedestrians sa Westminster Bridge at sinaksak pa nito ang isang pulis.
Lima katao ang naiulat na nasawi sa insidente kabilang na ang suspek at isang pulis samantalang 40 naman umano ang nasaktan.
- Latest