^

Punto Mo

‘Paano iiwas sa road rage’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI pa man opisyal na idineklarang summer, ang dami ng naitalang insidente ng road rage sa bansa ngayon taon. 

Ito ’yung bayolenteng reaksiyon ng mga motorista tulad ng pagmumura, pangungutya, pananakit at madugong kompron­tasyon.

Dala nang mainit na panahon at mataas na tempera­tura, maraming motorista ang madaling uminit ang ulo at mas maikli ang pasensiya. 

Kunsabagay, sino ba naman ang hindi mabubuwisit umaga palang mistulang mahabang parking lot na ang mga pangunahing lansangan.

Kaliwa’t kanan pa ang mga bastos at walang disip­linang motorista. Hindi ginagalang ang batas-trapiko. Walang respeto sa kapwa nila motorista. 

Akala yata nila isang kara­patan ang pagmamaneho sa kalsada. Mali. 

Ang pagmamaneho ay isang prebilehiyong ipi­nagkaloob ng estado. Puwede itong bawiin ng gob­yerno anumang oras.

Kaya sa mga nasa likod ng manibela, habaan ang pisi. Huwag mahulog sa patibong ng road rage. 

Ilan sa mga  sanhi kung bakit nagiging road rager ang isang motorista ang problema sa pamilya, problemang-pinansyal, emosyunal, problema sa trabaho at pinagtatrabahuhan o ’di naman kaya kulang sa sapat na pahinga.

Tatlo lang ang magiging kahihinatnan ng isang bayolente at siga sa lansangan. Kung hindi bilangguan, pagamutan, libingan. 

* * *a

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with