^

PSN Showbiz

Tarayan nina Jaclyn at Katrina inaabangan na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Interesting ang nalalapit na face off nina Jaclyn Jose at Katrina Halili sa upcoming series ng GMA na D’ Originals. Marami nga ang nakapansin na harapan ito ng dalawang Angelica Santibañez. Pareho kasing tumatak ang pagganap ng dalawang Kapuso actress sa ultimate kontrabida ng local adaptation ng Mexican telenovela na Marimar.

In fact, naging usap-usapan sa social media nang i-share ni Katrina sa kanyang Instagram account ang isang clip ng harapan ng karakter nila ni Jaclyn. Sa eksena kasi, Jaclyn pointed out na animal ang motif ng event ni Katrina. Say ng karakter ni Jaclyn, “Maganda, lush, green—kulay ahas!” Sabay tingin kay Katrina. Siyempre pa, hindi papatalo si Katrina nang tinawag siyang anaconda ng kaharap. Mala-balyena naman daw si Jaclyn! “Isang balyenang daig pa ang inagawan ng oxygen sa dagat kaya nagwawala at nagkiki-kisay”, ang sambit nito.

Buwelta naman ng D’Original wife, “Oo, bal­yena ako. Sinisuguro ko sa iyo, hahampasin ka ng buntot ko…sa mukha mo!” O, ‘di ba? Ang taray!

Ayon sa netizens, teaser pa lang ay kaabang-abang na nga raw ang confrontation scenes at bangayan ng dalawa. Intense raw talaga. Marami na tuloy ang na-iintriga sa magiging takbo ng istorya ng programa. Pero ang tanong ngayon sa amin ay sino kaya ang mananalo: si Jaclyn o Katrina? Siguradong hit na naman ang show na ito ng Kapuso Network!

vuukle comment

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with