^

Police Metro

‘Palit-ulo’ scheme ni VP Leni, mali

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sablay umano ang bersyon na nalalaman at ibinulgar ni VP Leni Robredo na ‘palit-ulo’ scheme.

“Yung ‘palit-ulo’ na version na sinasabi ni Vice President, dine-deny ko po yan. Kung meron mang kaso na nangyari doon, I have yet to receive complaint about that,” pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Hinamon ni Dela Rosa si Robrero na iharap sa kaniya ang mga pulis na inaakusahan nitong gumagawa ng kapalpakan sa giyera sa droga.

“You can just imagine yung version niya nang hulihin yung nanay o ‘yung tatay tapos pag di makita yung suspect o kaya yung kapatid? Napakagago naman ng pulis na yan,” anang PNP Chief.

Sinabi pa nito na kung maihaharap  o matutukoy ni Robredo ang inaakusahan nitong mga pulis sa paglabag sa protocol sa anti-drug campaign ay kakastiguhin niya mismo ang mga ito at susuntukin pa sa harap ng bise presidente ng bansa.

Sinabi din ni QC police director Guillermo Eleazar na mali umano ang naging ulat ni Robredo sa United Nation Commission on Narcotics Drugs na umaabot sa P7,000  katao ang mga namatay sa bansa kaugnay ng kampanya ng pamahalaang Duterte laban sa illegal drugs.

Dahil nasa  mahigit 2,000 lamang ang  mga naitalang namatay sa operasyon ng pamahalaan laban sa droga na nanlaban sa mga pulis at hindi sinadyang pinatay.

Ang  mahigit 4,000 katao na namatay ay  hindi kasama sa operasyon ng PNP na patuloy na binubusisi ng mga otoridad upang malaman ang ugat ng pagkamatay.

vuukle comment

VP LENI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with