^

Pang Movies

Probinsiyano ni Coco inaapelang ‘wag tapusin

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang dismayado sa nabalitang tutuldukan na ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano starring Coco Martin. Nahuli na raw kasi ang heneral na utak ng droga na si Eddie Garcia at napatay na ang matinik nitong apo na ginagampanan naman ni Arjo Atayde kaya wala nang problemang kailangang ayusin si Coco.

Tumututol ang fans lalo na ang kalalakihan dahil ngayon lang daw mayroong maaksyong serye tapos ay tatapusin pa?

Bagot na bagot daw mga tagahanga na mostly mga kwentong kabaklaan, katomboyan, patayan, sigawan, agawan ng asawa at droga ang napapanood. Masaya sana sila dahil may maaksyon namang matino ang istorya kung saan napapanood pa nila ang ilang comebacking stars.

Well, nasa desisyon ‘yan ng ABS-CBN kung pakikinggan nila kahilingan ng manonood.

Panahon ngayon ni Coco Martin kaya walang kaduda-dudang nag-e-enjoy sila.

Sa rami ng endorsements, mukha nina Alden at Maine pinagsasawaan na nga ba?

May nagtatanong, hindi raw kaya sanhi ng pagkatalo ng Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza ay dahil over exposed ang dalawa?

Kahit nga naman saang channel mo ilipat ay mukha nila ang nakikita sa mga commercial.

Wala na raw excitement para abangan pa ang seryeng Destined To Be Yours unlike My Dear Hearts na bihirang mapanood ang bidang bata na si Nayomi “Heart” Ramos.

Mabuti pa nga noong nakikita lang sila sa Kalyeserye, medyo excited pa sila dahil hindi naman tumitigil ang Kapuso sa pagdaragdag ng eksenang naiiba para manabik ang manonood.

Panahon ngayon ng iba’t ibang ideas sa television kaya dapat lang huwag tigilan ang pag-iisip ng worth seeing scene.

Patalbugan kasi ang dalawang network sa rami ng mga commercial endorsement. Problema lang nagsa-suffer naman ang mga manonood sa haba ng patalastas sa tv screen. Boring mang panoorin ang paulit-ulit na palatastas ay wala silang magagawa kundi magtiyaga.

Show ni Kris sa social media lang kinu-commercial?!

Tubong Nueva Ecija raw pala ang producer ni Kris Aquino sa special show niyang #TripNiKris kaya sa Bongabon, Nueva Ecija siya nag-taping.

Katakut-takot na pang-aakit ang ginawa ni Kris para panoorin ang show.

Mahusay siya sa mga pralalang inilalabas na kinu-commercial/ina-advertise pa sa social media sites gaya ng Facebook at Instagram.

May usap-usapang tumikim siya ng daga, salagubang at palaka.

Wow, ang heavy ng idea kaya lang matatagalan kayang tingnan ito ng manonood na hindi naman tumitikim ng exotic dishes?

Dapat lang na matuloy na ang pagpapalabas ng show ni Kris dahil pagod na silang mag-abang na wala naman palang aabangan.

Sa totoo lang mistulang penitensya para kay Kris ang umasa na sanay matuloy na ang showing nito sa ere.

Magagaling na artista ‘di dapat nawawala

Teka, nasaan na ba ang magaling na actor na si Juan Rodrigo na dati’t kaliwa’t kanan ang ginagawang serye?

Bakit daw ngayon ay hindi na napapanood ang magaling na actor?

Si Juan ay nakatambal na noong araw ni Superstar Nora Aunor.

Hindi dapat na mawala ang magagaling na artista sa teleserye. Hindi dapat pagdusahin ang televiewer na manood ng pogi nga pero wala namang acting. Ayaw din nila ng mga artistang the who dahil pag-iisipin pa sila kung sino ba mga pinapanood nila.

                               

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with