^

Pang Movies

Pagkatapos magkaro’n ng 113 million followers Selena aminadong adik na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Associated Press

Kinansela ng pop star na si Selena Gomez ang kanyang world tour last year dahil dumaan siya sa isang therapy para sa kanyang depression and anxiety.

Naging gamot sa kanyang depression ay ang social media kaya naman nakakuha siya ng 113 million followers on Instagram. Siya na ang most-followed celebrity on Instagram.

Ngayon ay tinanggal na ni Selena ang Instagram app sa kanyang phone dahil pakiramdam niya ay masyado na siyang nao-obsess dito.

“As soon as I became the most followed person on Instagram, I sort of freaked out. It had become so consuming to me.

“It’s what I woke up to and went to sleep to. I was an addict,” sey ni Gomez sa kanyang Vogue magazine cover story para sa April edition nito.

Kinuwento rin ni Selena na ina­bot ng tatlong buwan ang therapy niya noong nakaraang taon.

“My self-esteem was shot. I was depressed, anxious.

“I started to have panic attacks right before getting onstage, or right after leaving the stage.

“Basically I felt I wasn’t good enough, wasn’t capable.

“I felt I wasn’t giving my fans anything, and they could see it – which, I think, was a complete distortion,” paliwanag pa niya.

Hindi nag-iisa si Selena dahil ang mga tulad nila Miley Cyrus at Lindsay Lohan na napanood bilang mga bata at lumaki sa mga TV shows ng Disney ay dumaan din sa therapy dahil sa overwhelming career nila.

Male celeb na hindi kinaya ang offer ng mga bading

Dahil sa mga indecent proposal kaya hindi na muna tinuloy nang sana’y promising na male celebrity ang kanyang career sa showbiz.

Nakilala siya sa isang reality show at noong matapos na ang show ay bumuhos ang kabi-kabilang mga offer at karamihan ay galing sa mga bading na handang bayaran siya ng kahit magkano, matikman lang siya.

Laki sa isang conservative at religious na pamilya ang male celebrity kaya hindi ito basta papayag sa gusto ng kahit sinong mayamang bading kahit na magkano pa ang alok sa kanya.

Hindi raw tumigil ang pagpasok ng text messages sa kanyang cell phone. Ilang beses na raw itong nagpalit pero may nakakaalam pa rin.

Ang uncle nito ang parating may hawak ng kanyang cell phone at nababasa nito ang mga offer sa kanyang pamangkin.

Kung tutuusin ay may kaya ang pamilya ni male celebrity sa kanilang probinsya. Hindi pabor ang mga magulang nito na pasukin nito ang naturang reality show. Gusto lang daw ni male celebrity na subukan ito dahil pangarap nitong maging isang modelo.

Pero dahil sa alam din ni male celebrity na masisira lang ang pagkatao niya kapag pumayag siya sa mga indecent proposals, hindi na niya tinuloy ang maging isang artista at tinuloy niya ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa.

Nakailang tawag na sa kanya ang dapat na tatayong manager niya, pero nakapagdesisyon na raw itong mag-aral na muna.

Ngayon ay nagbabalik raw ito ngayon bilang isang modelo na. Nakita ito sa isang Go-See ng isang underwear brand at mukhang papalarin siyang makasali.

Tapos na nga sa kanyang pag-aaral ang male celebrity at mas guwapo at mas maganda pa ang katawan niya ngayon.

Tiyak na mas marami siyang indecent proposals na matatanggap dahil mas delicious siya ngayon. ‘Yun ay kung hindi pa rin nagbabago ang kanyang konserbatibong paniniwala.

Ryza muntik mag-back out sa ika-6!

Inamin ni Ryza Cenon na muntik na niyang hindi siputin ang audition para sa role na Georgia sa teleserye na Ika-6 Na Utos ng GMA 7.

Umaani ng mga iba’t ibang feedbacks si Ryza dahil sa role niya bilang other woman sa naturang teleserye. Muntik na palang hindi siya ang gumanap dito.

Pero lahat nang nangyayari sa buhay ng isang tao ay may rason. Meant na gampanan ni Ryza ang role na Georgia at malaking pagsisisi kung hindi siya ang gumanap dito.

 

vuukle comment

SELENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with