^

Probinsiya

Bus vs tanker: 1 utas, 30 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isa ang patay habang mahigit 30 ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang mini bus at kasalubong nitong oil tanker sa kahabaan ng Roman highway, Mariveles, Bataan nitong Biyernes ng umaga. Ayon kay Supt. Cris Conde, hepe ng Mariveles Police, dead-on-arrival sa Balanga General Hospital ang isang konduktor ng ibang bus na si Roel Cuadro na nakisakay lamang sa mini bus. Samantala, mahigit 30 katao ang nasugatan kabilang ang driver ng tanker na si Felix Sandigan na nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan. Bandang alas-7 ng umaga,  masyado umanong mabilis ang takbo ng mini bus na minamaneho ni Ronald Ramos habang tumatawid sa kabilang linya ang tanker galing sa pinagkukunan nito ng gasolina sa Mariveles. Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang driver ng mini bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple injuries at damage to property.

vuukle comment

CRIS CONDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with