Aldridge ibinalik muli sa lineup ng Spurs matapos magkaroon ng heart arrhythmia
WASHINGTON -- Ibinalik ng San Antonio Spurs si forward LaMarcus Aldridge sa kanilang lineup.
Ito ay matapos aprubahan ng mga duktor ang muling paglalaro ni Aldridge apat na araw makaraang magkaroon ng minor heart arrhythmia.
“Thank you to everyone for the prayers and support,” sabi ni Aldridge sa kanyang Twitter account. “Y’all helped me through a difficult time and for that I’m very grateful.”
Nagtala si Aldridge ng mga averages na 17.3 points, 7.4 rebounds, 2.0 assists at 1.1 blocked shots a game para sa Spurs, naipanalo ang 11 sa kanilang huling 12 laro at bitbit ang second-best record sa NBA sa hawak na 52-14 record sa ilalim ng No. 1 team na Golden State Warriors (53-14).
Nang mawala si Aldridge sa lineup ay tinalo ng San Antonio ang bisitang Golden State, 107-85, noong Sabado at ang Atlanta Hawks, 107-99, noong Lunes.
Lalabanan ng Spurs ang Portland Trail Blazers, ang dating koponan ng Aldridge.
Hindi nakita ang 31-anyos na si Aldridge sa huling siyam na laro ng 2007 season nang makitaan ng Wolff-Parkinson-White syndrome, isang abnormalidad na nagdudulot ng mabilis na pintig ng puso.
Ikinatuwa naman ni Spurs’ head coach Gregg Popovich ang pagbabalik ni Aldridge para sa kampanya ng koponan.
“He has battled this all year long and nobody knew about it, so being the consumate pro, he was able to do everything that was necessary to bring this to some sort of conclusion and that wasn't easy,” pahayag ni Popovich sa sentro ng San Antonio.
- Latest