^

PSN Palaro

31 bagay na dapat n’yong malaman tungkol kay Curry

Pilipino Star Ngayon

Isa si Stephen Curry sa mga kinikilala ngayong pinakamahusay na player sa National Basketball Association.

Tinulungan niya ang Golden State Warriors sa dalawang magkasunod na NBA Finals appearance na tinampukan ng kanilang paghahari noong 2015 at runner-up sa nagharing Cleveland Cavaliers noong nakaraang taon.

Narito ang ilang mahalagang bagay tungkol sa back-to-back Most Valuable Player awardee ng NBA.

1. Isinilang si Stephen Wardell Curry II noong Marso 14, 1988 sa Akron, Ohio sa mag-asawang sina Sonya Adams at dating NBA player Dell Curry.

2. Ang kanyang amang si Dell ay dating naglaro para sa Cleveland Cavaliers.

3. Isinilang siya sa ospital kung saan din ipinanganak si four-time NBA MVP Lebron James ng Cavaliers at sa magkaparehong doktor.

4. Lumaki siya sa Charlotte, North Carolina matapos ma-trade ang kanyang ama sa Charlotte Hornets.

5. Ikinasal siya kay Ayesha at may dalawang anak na babae na sina Riley at Ryan.

6. Naging internet sensation si Riley nang isama niya sa press conference matapos ang isang playoff game

7. Nakilala niya si Ayesha sa simbahan noon sila ay mga teenager pa lamang.

8. Una silang nag-date ni Ayesha sa Hollywood Boulevard

9. Si Ayesha ay isang YouTube star at may sariling cooking show sa TV

10. Si Ayesha ang kauna-unahang tao na kanyang pinasalamatan matapos magkampeon ang Warriors sa pamamagitan ng isang madamdaming Instagram post

11. Sa kabila ng kanyang mataas na superstar status ay hindi siya kinuhang player sa anumang major university.

12. Nagmula siya sa isang pamilya na pawang mga atleta kung saan ang kanyang kapatid na si Seth ay naglalaro para sa Dallas Mavericks, habang ang kanyang inang si Sonya Adams at kapatid na si Sydel ay naging varsity players.

13. Naglaro siya ng tatlong taon para sa Davidson University at hinirang na best player sa kasaysayan ng nasabing paaralan.

14. Noong 2009 ay hindi niya tinapos ang kanyang kolehiyo para ipursige ang basketball career niya kasunod ang paghirang sa kanya ng Golden State Warriors bilang No. 9 overall pick.

15. Sa unang apat na taon niya sa Warriors ay palagi siyang nagkakaroon ng injury at sinabing hindi magtatagal sa NBA.

16. Himalang nakarekober siya mula sa kanyang ankle injuries para hirangin bilang back-to-back NBA MVP.

17. Minsan siyang umiskor ng 54 points sa laro ng Warriors at New York Knicks sa Madison Square Garden.

18. Regular siyang nakikipaglaro ng golf kay dating United States President Barack Obama

19. Sa kanilang mga laro ay nagkakaroon siya ng friendly trash talk kay Obama

20. Noong bata pa siya ay naisama siya sa isang Burger King commercial

21. Hinikayat siya ng kanyang ama na maglaro ng basketball noong siya ay 5-anyos

22. Sa isang concert ng rapper na si Kriss Kross ay pinaakyat siya sa stage at sinabing iyon ang paborito niyang childhood memory

23. Sa lahat ng hayop ay ang ahas ang kanyang kinatatakutan

24. Mahilig siyang kumain ng candy kahit na 29-anyos na siya

26. Miyembro siya ng Team USA na kumuha sa gold medal sa FIBA World Championship sa Turkey noong 2010

27. Mayroon siyang nakakagulat na workout regimes mula sa pagdi-dribble ng bola na may takip ang mata hanggang sa pagpapabato niya ng tennis ball sa pagsalaksak niya sa basket sa kanilang team practice

28. Nawala sa Nike ang pagkakataong makuha siya dahil hindi handa ang mga kinatawan ng sports apparel na makaharap siya at tinawag pa siya sa ma­ling pangalan pati na ang pagpapakita ng slides na para sa ibang player.

29. Hawak niya ang first at second best record para sa pinakamaraming three pointers na isinalpak sa isang season.

30. Bumili siya ng mansyon sa Walnut Creek sa California

31. Sa kabila ng kanyang estado sa NBA bilang superstar, siya ay No. 82 sa hanay ng mga highest paid player sa NBA at No. 4 naman sa Warriors

vuukle comment

STEPHEN CURRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with