P3.2-M pekeng seasoning products nasamsam
MANILA, Philippines - Umaabot sa P3.2 milyon pekeng seasoning products ang nasamsam ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Anti Fraud and Commercial Crimes (PNP-CIDG- AFCC) sa serye ng raid sa tatlong bodega sa Metro Manila at karatig lugar.
Magkakasunod na sinalakay ng mga operatiba ang tatlong bodega na pinag-iimbakan ng mga pekeng produkto sa Malabon City; Blumentritt Road, Manila at maging sa Brgy. Niog 3, Molino , Bacoor City, Cavite.
Nabatid na ibinebenta ang mga orihinal na seasoning granules sa halagang P 4 bawat isang piraso pero ang peke ay P 5 ang tatlong piraso.
Pinayuhan din ng opisyal ang publiko na maging mapagbantay at metikoloso sa pagbili ng mga produkto upang hindi mabiktima ng mga pekeng produkto.
- Latest