^

Pang Movies

Jake ooperahan, sumalpok sa truck habang nagba-bike

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Isinugod sa hospital si Jake Cuenca kahapon ng umaga matapos maaksidente gamit ang kanyang bisikleta. Naganap ang aksidente sa Mall of Asia grounds habang nagti-training para sa Ironman competition, bandang ala-siete ng umaga.

Na-interview ang kanyang amang si Juanto Cuenca sa DZMM radio kahapon ng umaga para magbigay ng detalye tungkol sa aksidente ng anak.

“Si Jake kasi every morning, he trains for Ironman sa may MOA. Biglang nagpreno ang isang malaking truck and he did not have time to break, so tinamaan niya yung truck. Dumiretso siya sa ospital. Nasa emergency room siya, nasa trauma,” pahayag ng ama ni Jake.

Mabuti na lang at naisugod agad si Jake sa Medical City ng kanyang driver.

“Yung driver niya mismo ang nagdala sa kanya sa ospital because there were no ambulances on site. Sa Medical City, that’s where he is now. Meron siyang two broken bones on the hand. He had to have stitches in his chin. They are still continuing with the tests kung ano pa ang damage sa kanya,” saad pa ng ama ni Jake.

Nakalabas na raw ang aktor sa ospital pero kinailangan pang operahan ang dalawang naba­ling buto sa kamay nito ngayong Biyernes.

Matatandaang last Sunday ay sumali for the first time si Jake sa Ironman 70.3 na ginanap sa Subic kung saan ay hindi gaanong naging maganda ang resulta dahil na-flat ang kanyang bike. Magkaganunman ay natapos naman ng aktor ang 90km bike race.

Maine nakipag-date sa fans

Nag-enjoy si Maine Mendoza sa kanyang dinner date sa top 20 lucky winners ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino’s Maine’s Funtastyk Dares promo sa Facebook kung saan ay daan-daan ang sumali.

Sa nasabing pa-kontes, ang mga loyal consumers ay kinailangang mag-post ng kanilang sari­ling estilo kung paano maaring kainin sa iba’t ibang paraan ang CDO Funtastyk kahit anong oras sa buong araw.

Hundreds of entries ng mga photos and videos ang natanggap nila mula Luzon, Vizayas and Mindano at namili ng top 20 most creative at naiibang entries.

Masuwerte ang napiling 20 winners dahil bukod sa napakasarap na French Mediterranean Dinner sa Lemuria Garden Restaurant, ito rin ang espesyal na gabi kung saan, nabigyan sila ng pagkakataon na makasama at makausap ang Dubsmash Queen. Siyempre, hindi nawala ang espesyal na putahe ng CDO Funtastyk Tocino na may kasamang pineapple, brie at shallots.

Ayon pa kay Maine, ang pakikipag-bonding sa kanyang mga fans ang isa sa mga love na love niyang gawin.

Maaari ring mapanood ang dinner date ni Maine sa Facebook page ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino.

vuukle comment

JAKE CUENCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with