^

Punto Mo

NDF, may dapat patunayan sa peace talks

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

BALIK ang usapang pang­kapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front (NDF).

Sa pagkakataong ito, ma­raming dapat na patunayan  ang NDF sa gobyerno sa ka­nilang paghaharap.

Isa sa dapat patunayan ng NDF ay kung totoong may kontrol pa ito sa kanilang armed wing na New People’s Army na nakakaenkuwentro ng militar.

Kung magpapatuloy ang opensiba at pag-ambush ng NPA sa militar o pulis sa kabila ng panunumbalik ng peace talks ay lilitaw wala na itong kontrol.

Kung ganito ang sitwasyon na magpapatuloy ang labanan ng NPA at militar habang may peace talks ay marapat lang na mag-isip ang gobyerno kung dapat pang ituloy sa NDF ang pakikipag-usap.

Maaari kasing direkta ng makipag-usap ang gobyerno sa local level ng NPA upang mas mabilis ang usapan at kung anuman ang mga kahilingan ng mga ito.

Bukod dito, dapat ding magpakita at magparamdam ng senseridad sa gobyerno lalo na sa sambayanang Pilipino kaugnay ng pakikipag-usap sa gobyerno.

Sa isang pag-uusap ay hindi maaring lahat nang kahilingan ng NDF ay maibibigay ng gobyerno at kailangang timbangin din para sa interes ng mayoryang Pilipino.

Samantala, sa nasabing usapang pangkapayapaan ay mahigpit na magbantay ang publiko at dapat na alerto ang gobyerno na kapag hindi tapat o sensero ang rebeldeng komunista ay agad nang umatras.

Pero kung aatras ang gobyerno sa NDF ay maaring ituloy nito ang pakikipag-usap ng direkta sa bawat lokal na rebelde upang mas maging mabilis ang pagkamit ng kapayapaan.

vuukle comment

NDF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with