^

Probinsiya

Abu kidnaper tumba sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Napaslang ang isang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa Sipadan hostage crisis o ang pagbihag ng 21 hostages noong 2000 matapos itong kumasa sa mga awtoridad sa shootout sa Basilan nitong Miyerkules. Sa ulat ni Sr. Supt. Nickson Muksan  Provincial Director ng Basilan police, kinilala ang napatay na suspek na si Bilamin Hassan. Ang target ng operasyon ay si Mobin Kulin alyas Mulawin, itinuturing na high value target at may patong sa ulo ng P600.000. Bitbit ang warrant of arrest ay nagtungo ang mga elemento ng CIDG  sa Tapiantana Island, Tabuan Lasa, Basilan upang arestuhin si Kulin.  Gayunman tanging si Hassan ang inabutan sa lugar pero sa halip na boluntaryong sumuko sa pulisya ay nagpaputok umano ng baril ang una na nauwi sa engkuwentro. Ang suspek ay sangkot sa Sipadan hostage noong Abril 2000 kung saan 21 ang binihag ng mga bandido na itinago sa Sulu, sa naganap na Lamitan siege  at ang pagdukot sa mga manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Lantawan noong Hunyo 2001.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with