^

PSN Palaro

Tiket sa World C’ship premyo sa CT Ironman 70.3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Premyong $15,000 at 30 tiket para sa Ironman 70.3 World Championship ang nakataya sa Century Tuna Ironman 70.3 sa Linggo sa Subic Bay.

Papagitna ang mga nangungunang triathletes sa event na inihahandog ng Century Bangus, Department of Tourism at Tourism Promotions Board.

Magsisimula ang na­sa­­bing three-day weekend ngayong araw sa pamama­gitan ng 2GO Bike Service and Expo, habang pa­kakawalan bukas ang Alaska Ironkids at ang po­pular na Century Tuna Superbods: The Underpants Run.

Nasa bansa na ang mga nagdedepensang sina Craig Alexander ng Australia at Swiss Caroline Steffen at inaasahang masusukatan ng kanilang mga karibal sa 1.9km swim, 90km bike at 21km run event na inorganisa ng Sunrise Events, Inc.

Bukod sa premyong $3,000 ay maghahangad din ng tiket ang mga triathletes para sa World Championship na nakatakda sa Setyembre sa Chatta­nooga, Tennessee kung saan nila makakasama ang mga top finishers mula sa ibang Ironman elims sa Australia, Germany, South Africa at Switzerland.

Humigit-kumulang sa 1,000 entries ang lalahok na sumapaw sa 902 noong 2015 at 823 noong 2016. 

vuukle comment

IRONMAN 70.3 WORLD CHAMPIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with