^

Police Metro

‘Tokhang 2’ kakatok sa simbahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nakatakdang ka­tukin ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga Simbahang Katolika kaugnay sa Oplan Tokhang 2 sa gitna ng pag-alma ng ilang mga pari.

Subalit, nilinaw ni Bato na hindi nangangahulugan na target din ng anti-drug campaign ang mga pari kundi  para hikayatin lamang  ang mga ito na huwag mag-atubili para bigyan ng tsansa ang magandang hangarin ng PNP na isama ang mga tagapagpalaganap ng Salita ng Diyos sa  Oplan Tokhang Revisited.

Anya, hindi pa siya sumusuko at umaasa pa rin siyang makukumbinse niya ang mga pari na makiisa sa PNP sa misyong tuldukan ang problema sa lahat ng uri ng bawal na gamot partikular na ang shabu.

Magugunita na ang Oplan Double Barrel Reloaded at Oplan Tokhang 2 Revisited ay inilunsad ni Bato nitong Lunes  matapos na muling ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP ang kapangyarihan para mu­ling ituloy ang anti-drug campaign.

Plano ni Dela Rosa na plano niyang maki­pagpulong  sa mga  lider ng mga Simbahang Katoliko kaugnay ng kanilang pagbabalik sa naudlot na misyon kontra droga.

Binigyang diin nito na isasama niya sa kaniyang pagbisita sa mga Regional, Provincial at City Police Offices sa buong bansa ang pagbisita sa iba’t ibang Diocese ng Simbahang Katoliko.

Habang ang mga municipal police at chief of police ay makikipag ugnayan sa mga parish priest sa kanilang mga lugar para trumulong sa kanilang kampanya.

Binigyang diin pa ng PNP Chief na sana ay pagkatiwalaan sila ng mga lider ng Simbahang Katoliko sa giyera kontra droga kung saan mahigpit niyang direktiba sa kaniyang mga hepe na hangga’t maaari ay gawin itong ‘bloodless’ maliban na lamang kung hingin ng pagkakataon na ipagtanggol din ng mga pulis ang kanilang mga sarili.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with