Wanted: 40 libong guro –DepEd
MANILA, Philippines - Nangangailan ng 40,000 mga bagong guro ang Department of Education (DepEd) upang magturo sa mga estudyanteng tutuntong sa Grade 12 sa darating na school year 2017-2018.
Ayon kay Jesus Mateo, Education Undersecretary for Field Operations, nagsisimula na siyang tumanggap ng mga aplikasyon ng mga guro.
Sinabi nito na kalahati sa mga ire-recruit nilang mga guro ay magtuturo sa unang batch ng mga senior high school students na tutuntong sa Grade 12 ang iba ay magtuturo sa grade 1 to grade 10.
Nakasaad sa inisyung mga panuntunan ni Education Secretary Leonor Briones, nabatid na mahigit P55 bilyon ang nakalaang pondo para sa mga makakapasok na aplikante sa mga pampublikong paaralan.
Nailabas na rin ang memorandum sa naturang job offer na aprubado ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilang DepEd Regional Offices.
- Latest